Siguro, kung hindi ka pumasok sa eskuwela ay hindi mo siya makikilala Siguro, kung hindi ka lumiko ay hindi mo siya mababangga Siguro, kung hindi ka sumama ay hindi ka namin magiging tropa Siguro, kung wala kayo ay hindi ako masaya Kaya lahat ng ito'y nakatadhana Mag-iisip ka kung ano'ng mangyayari Tadhana, parang mahika Tadhana, parang pelikula Darating ito At ang lahat ay magbabago Kung ikaw ay nag-iisip ay 'wag ka nang mag-isip Kung ika'y may dinaramdam ay 'wag mo nang damdamin Eh, kasi ginusto niya at baka ito ang nakatadhana 'Wag ka nang malumbay, basta't masaya sa ginagawa, hey Ang tadhana'y rason lang kapag hindi nangyari'ng mga gusto mong mangyari Minsan, para lokohin mo lang 'yong sarili, na ang isang bagay ay para sa 'yo Ang tadhana'y tsansa lang, ikaw ang magdedesisyon kung ano'ng pipiliin mo sa buhay At 'pag ikaw ay nagkamali, doon mo nasasabi na magical ang tadhana Tadhana, parang mahika Tadhana, parang pelikula Darating ito At ang lahat ay magbabago Tadhana, gugulatin ka Tadhana, papaikutin ka Mapapaisip ka Kung bakit ito nangyayari ♪ Ito ay tsansa lang ♪ Biglang mawawala