Bukas papasok ka nanaman Sa mundo mong walang laman Takbuhang di masundan Mga pagkakataong pinalagpas Pagsisisi ay humahampas Sa dibdib mo ngayon Kahit anong gawin mo Humanap ng kapalit Alam sa sarili na Ika'y nagpipilit Siya pa rin ang panaginip Sa bawat pag-idlip Tunay nga kayang Wala siyang katulad Wala siyang katulad Lagi ka pa ring nagangamba Kahit meron na siyang iba Patuloy pang umaasa Sakit ng puso'y walang lunas Luha mo'y walang magpupunas Kanyang pinto'y di' magbubukas