Kishore Kumar Hits

J.A. Calle - Mayumi lyrics

Artist: J.A. Calle

album: Mayumi


Sumilong sa payong, na hawak ng aking kamay
Bugso sa hangin, may kasamang damdamin, papalapit sa atin
Sumabay ka sa lakad, tayong dalwa'y maglalakbay.
Bumuhos man ang araw, sumikat ang ulan.
Wag kang maguluhan
Ikaw parin ang tahanan...
Oh mayumi...
Ang 'yong ngiti sa aking paguwi
(Pagod ay napawi)
Sayong mata'y ako'y nabighani.
(Ating hanapin)
Aking dayang
Hanapin natin ang tinatagong kayamanan
Sundin ang mapa laruin ang ating kapalaran
Magmuni muni sa gitna ng kagubatan
Magpaalipin sa harana ng hangin
Ikaw parin ang ilaw ko sa dilim...
(Ilaw sa dilim)
Takipsilim
Kayamanang hinahanap nasa mapang malayo
Detalyeng kinakalap akala mo'y malabo
Haring araw ay sumikat dumilat kakasilo
Kakahanap ang hirap kakapagod
Kakahilo
Ngunit ang hindi alam sa dulo ay tila surpresang
Habang nakaabang sayong paparating marahan
Sabik na masilayan ang iyong pinaghirapan
Ngunit ang tunay na kayamanan ay ikaw rin lamang
(Ating hanapin)
Aking dayang
Hanapin natin ang tinatagong kayamanan
Sundin ang mapa laruin ang ating kapalaran
Magmuni muni sa gitna ng kagubatan
Magpaalipin sa harana ng hangin
Ikaw parin ang hiling ko sa bitwin...
(Ilaw sa dilim)
Takipsilim
Binibini na naghahatid sakin ng ligaya
Bahag hari na maituturing o parang tala
Di mawari at di rin ako makapaniwala
Ang mayuming tulad mo sa aki'y nagbigay tiwala
Pangako na hinding hindi mapapako
Pagsubok sa daan kasama mo akong humayo
Todo todo ilalaan lahat pati ang puso ko
Araw araw kitang ipapapana kay kupido

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists