Kishore Kumar Hits

Gabe Lerios - gayuma lyrics

Artist: Gabe Lerios

album: gayuma


Dati, hindi gan'to ang dati
May nag-iba ba sa 'kin? Ano'ng nangyayari?
Bakit 'pag ika'y lumalapit
Para bang nang-aakit ang 'yong mga ngiti?
Hindi ko maintindihan
Lutang 'pag lagi kang nand'yan
Pakiramdam, gumagaan
Gustong sundan kahit saan
Giliw, ikaw ay mayro'ng lihim
Ano ba'ng pinakain mo sa akin?
Teka, ako ba'y ginayuma
Kaya kapag wala ka, hindi na masaya?
Laging ikaw ang hinahanap
Kanluran o silangan, ako'y nakaabang, ooh
Parang hindi buo ang araw
'Pag 'di ko nasilayan ang iyong mukha
Ang tinig mo ay musika
Ang titig mo'y parang tula
Mundo'y lumiliwanag
'Pag pangalan ko'y sambit mo na
Giliw, palagi ka sa isip
Pati sa panaginip, ika'y nakikita
Teka, ako ba'y ginayuma
Kaya 'di nagsasawa basta kapiling ka?
Wala na yatang tigil 'tong kahibangan ko sa iyo
Ako'y nababaliw sa 'yo
Giliw, ikaw ay mayro'ng lihim
Ano ba'ng pinakain mo sa akin?
Teka, ako ba'y ginayuma
Kaya kapag wala ka, hindi na masaya?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists