Kishore Kumar Hits

Gabe Lerios - kalbaryo lyrics

Artist: Gabe Lerios

album: kalbaryo


Nasilaw ako sa mga sinabi mo
Diba sabi mo sa 'kin
Kailanman ay hinding-hindi ka malilito
Andito nga ako, di ka kumikibo
Bakit? May nagawa ba ako?
Kinakausap ka, ako'y 'yong hinila
Malamig mong kamay, mainit ang dampi
Dito sa 'king mukha
Mundo ko'y gumuho
Panaginip ba ito?
Anong nangyayari? Anong sinasabi?
Parang may mali
Ayoko ng ganito
Pagod na ako't gulong-gulo
Di mapigil ang luha sa kakaisip
Kung anong nangyari sa dulo
Meron na bang iba?
Ako ba ay mahal mo pa o di mo na kaya?
Naririnig kita, may kausap kang iba
Kailan mo sasabihin na may bagong binibigyan ng oras at pansin?
Sa kama, magkatabi, hanap ang 'yong labi
Ngunit hinalikan lang sa pisngi
Noong isang gabi
Hindi ka umuwi
Di ka man lang nagpaalam
Akala ko ay may masama nang nangyari
May naamoy ako
Sayong bandang kwelyo
Ako'y naninigas, nawalan ng lakas
Heto na ang wakas
Ayoko ng ganito
Pagod na ako't gulong-gulo
Di mapigil ang luha sa kakaisip
Kung anong nangyari sa dulo
Meron na bang iba?
Ako ba ay mahal mo pa o di mo na kaya?
Handa naman akong ipaglaban pagibig ko
Pero parang wala ng saysay sapagkat ubos na ubos na ako
Pilit nang lalayo
Tapos na ang kalbaryo ko sa iyo
O giliw ko
Ayoko ng ganito
Pagod na ako't gulong-gulo
'Di mapigil ang luha sa kakaisip
Kung anong nangyari sa dulo
Meron na bang iba?
Ako ba ay mahal mo pa o di mo na kaya?
Oras na para maging malaya

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists