Malalim ang iyong mata na tila ba Nakadungaw sa bintanang deretso sa kaluluwa Ang boses mo na naririnig Ay parang kantahan ng anghel na nagsasaya Kaya sinta, 'wag mag-alala Ang rosas sa 'king kamay, sa 'yo lang iaalay ♪ Ngunit ngayon Ang malalim mong mga mata Ay napupuno na ng mga luha Ang awit mo na naririnig Ay parang iyakan ng anghel na nagluluksa Pero sinta, 'wag mangangamba Matatapos din ang pag-alala Nandito ako, aalalayan ka Magpupunas ng iyong luha 'Pagkat ikaw ang rosas ko Namukadkad sa gitna ng mga damo At kahit pa ilang beses matusok sa pag-ibig mo Ikaw pa rin ang tanging yayakapin ko, oh-oh Malalim ang iyong mata na tila ba Nakadungaw sa bintanang deretso sa puso ko