Umiiwas sa titigan Lalamunan ay sumasakit Ako lang ba ang dahilan (dahilan, dahilan) Ng 'yong mga pag-iyak at hikbi? Kung 'di mapipigilan ('di mapipigilan) Sa patalim, pamilyar na ang pagkapit Sunog na ang tahanan (tahanan) Na dating binabalot ng ating ngiti Patak na ng ulan ang nagsabi na Hindi ka na pwede pang umuwi Tinahak ang lansangan sa pangangambang Hindi muli pang makakahalik Mula sa 'yong binti hanggang mukha Lambot ng 'yong balat, init ng hininga Amoy ng 'yong buhok kapag nakahiga Oh, ang hirap din pala kapag nag-iisa Iniisip ko pa kung dapat tanungin Lalaki sa salamin, ikaw ang salarin Kung bakit hindi kaya pang tumagal Sino'ng sisindi ng ating dating apoy? (Ng ating dating apoy) Hindi mababawi mga salitang binitawan sa 'yo Hmm, binitawan sa 'yo (binitawan sa 'yo), ooh-ooh Umiiwas sa titigan Sugat lalo lang sumasakit Ayoko nang magdahilan (dahilan, dahilan) Alam ko naman na ako'y nagkamali Kung 'di mapipigilan ('di mapipigilan) Paglisan mo ay akin nang tatanggapin Tila nasa kulungan Parang masisiraan na 'ko ng bait Patak na ng ulan ang nagsabi na Hindi ka na pwede pang umuwi Tinahak ang lansangan sa pangangambang Hindi muli pang makakahalik Mula sa 'yong binti hanggang mukha Lambot ng 'yong balat, init ng hininga Amoy ng iyong buhok kapag nakahiga Oh, ang hirap din pala kapag nag-iisa Iniisip ko pa kung dapat tanungin (dapat tanungin) Lalaki sa salamin (lalaki sa salamin), ikaw ang salarin Kung bakit hindi kaya pang tumagal Sino'ng sisindi ng ating dating apoy? (Ng ating dating apoy) Hindi mababawi mga salitang binitawan sa 'yo Hmm, binitawan sa 'yo (binitawan sa 'yo) (Ooh, 'di muli pang makakahalik) Mula sa 'yong binti hanggang mukha (hanggang mukha) Lambot ng 'yong balat, init ng hininga (ng hininga) Amoy ng 'yong buhok kapag nakahiga (kapag nakahiga) Oh, ang hirap din pala kapag nag-iisa Iniisip ko pa kung dapat tanungin Lalaki sa salamin, ikaw ang salarin Kung bakit hindi kaya pang tumagal Sino'ng sisindi ng ating dating apoy? Hindi mababawi mga salitang binitawan sa 'yo