Please, 'wag kang tumingin 'Pagkat wala na 'kong ibang magagawa kundi matunaw Please, 'wag kang ngingiti 'Pagkat 'di ko mapipigilan ang damdamin kong mababaw 'Di mo lang alam kung ga'no kahirap Ang pigilan ang aking nararamdaman Masakit mang isipin na kahit na paghirapan ko'y Hindi ka kailanman makakamtan Pero 'di ko na naman alam ano ang gagawin Bakit 'di makahinga sa t'wing ika'y lumalapit sa 'kin? Ayoko na ng ganito Nais ko lamang ay makausap ka pero bakit parang imposible? Eh Du-du-du parapa-param, pararam du-du-du-du-du Du-du-du parapapapa Tama na, tigil na 'Di ka na nakabubuti sa puso kong mahina Okay na, gets ko na Alam ko namang sa dulo ay ako parin ang luluha 'Di mo lang alam kung ga'no kahirap Ang umasa kung ang laban ay pagandahan Masakit mang isipin Sa lahat ng nakapalibot sayo'y wala akong kalaban-laban Pero 'di ko na naman alam ano ang gagawin Bakit 'di makahinga sa t'wing ika'y lumalapit sa 'kin? Ayoko na ng ganito Nais ko lamang ay makausap ka pero bakit parang imposible? Eh Ayaw ko na, nakakapikon na Kahit gustong-gusto, wala pa ring magagawa Sasabihin ko na kahit walang kasiguraduhang May pag-asa pa kahit man lang malapitan ka 'Di ko talaga alam ano ang gagawin 'Di parin makahinga sa t'wing ika'y lumalapit sa 'kin Sawa na 'ko sa ganito Nais ko lamang ay makausap ka pero lalong naging imposible Sana'y 'di nalang umamin Wooh! ♪ Du-du-du parapa-param, pararam du-du-du-du-du Du-du-du parapapapa