Kay hirap sa puso kong 'di ka makatuluyan Ikaw na sinta ko't pinakamamahal Sa habang-buhay ay hindi matatahimik Manghihinayang at puso'y magsisisi Dahil mahal kita, 'di ako papayag Na 'di ikaw ang makasama sa habang-buhay Dahil mahal kita, 'di ko bibitawan Ang pangako ng pag-ibig ko 'Pagkat ang tulad mo ay minsan lang Kay hirap makitang ika'y sa piling ng iba Kung walang ibang hangad kundi ikaw, sinta Ang bukas ko kaya'y may kulay at may buhay O sa habang-panahon ay bihag mo ang isip? Dahil mahal kita, 'di ako papayag Na 'di ikaw ang makasama sa habang-buhay Dahil mahal kita, 'di ko bibitawan Ang pangako ng pag-ibig ko 'Pagkat ang tulad mo ay minsan lang 'Pag ang araw ay lumipas ay 'di na maibabalik Dahil mahal kita, mahal kang talaga 'Paglalaban ka hanggang sa huli Hangga't may hininga Dahil mahal kita, 'di ako papayag Na 'di ikaw ang makasama sa habang-buhay Dahil mahal kita, 'di ko bibitawan Ang pangako ng pag-ibig ko 'Pagkat ang tulad mo ay minsan lang Dahil mahal kita Mahal kita