Nalilito ang kahapon Sa kalagayan mo ngayon Dahil ganda mo'y 'di pinansin Siya tuloy ay nanimdim Lumuluha ang lawa No'ng unang makita ka Larawan mo'y gustong maangkin Kung bakit linamon na ng dilim Sino pa nga ba ang pag-aalayan? Likas mong ganda at yaman Iniwanan ka na lang sa lansangan Larawan mo'y nasa pahayagan na lang Gubat ma'y naghihimutok Nang ika'y 'di na sumipot Dahil ba sa kalagayang hubad? Puno niya'y wala nang habas Sino pa nga ba ang pag-aalayan Likas mong ganda at yaman? Iniwanan ka na lang sa lansangan Larawan mo'y nasa pahayagan na lang Sa isip ng mga bata Ngayon ay isa ka nang himala 'Di nila alam ang ina natin noong una Ay katulad ng isang diwata Sino pa nga ba ang pag-aalayan Likas mong ganda at yaman? Iniwanan ka na lang sa lansangan Larawan mo'y nasa pahayagan na lang Sino pa nga ba ang pag-aalayan? Likas mong ganda at yaman Iniwanan ka na lang sa lansangan Larawan mo'y nasa pahayagan na lang