Matayog ang kaniyang pangarap Magandang kinabukasan ang hangad Kaya siya'y nangibang bansa Upang mapag-aral mga anak niyang naiwan Mahirap kapag siya'y nagkasakit Walang mag-abot kahit inuming tubig Pilitin niyang bumangon, magtrabaho Magtitiis at magsakripisyo Ngunit kahit gano'n pa man Pagsisisi, 'di niya naisipan Tapusin niya ang kaniyang kontrata Babalik sa Pilipinas, may naipon na Oh, ganiyan ang buhay OFW Lakas-loob, magsilbing sandata mo Hindi alam ang kapalaran mo Na ibibigay ng Diyos na para sa iyo Oh, ganiyan ang buhay OFW Masaya siguro ang akala niyo Hindi niyo lamang alam kung paano Kay hirap, kay lungkot, buhay OFW Iyan ang totoo ♪ Mahirap 'pag siya'y nagkasakit Walang mag-abot kahit inuming tubig Pipilitin bumangon, magtrabaho Magtitiis at magsakripisyo Ngunit kahit gano'n pa man Pagsisisi, 'di niya naiisipan Tapusin niya ang kanyang kontrata Babalik sa Pilipinas, may naipon na Oh, ganiyan ang buhay OFW Lakas-loob, magsilbing sandata mo Hindi alam ang kapalaran mo Na ibibigay ng Diyos na para sa iyo Oh, ganiyan ang buhay OFW Masaya siguro ang akala niyo Hindi niyo lamang alam kung paano Kay hirap, kay lungkot, buhay OFW Iyan ang totoo Iyan ang totoo Kay hirap, kay lungkot, buhay OFW