Ito ang aking pinapangarap Na balang araw ay matutupad Langit at dagat man ating pagitan Tanging pag-asa, nagbibigay-liwanag Sana'y dinggin aking pagsusumamo Minahal kitang tunay, 'yan ang totoo Saksi ko ang langit, ikaw lang, mahal ko Pakinggan mo ang sigaw ng puso Ikaw lang ang mahal, wala nang iba Nag-iisang ikaw habang may hininga Maniwala ka sana, aking sinta Ngayon at kailanman, mamahalin kita Hindi kita mawawaglit kahit nasa'n ako Ikaw lang ang laman nitong isipan ko Pangalan mo ang siyang laging isinisigaw Dito sa puso ko, nakaukit ay ikaw Manalig ka sana, oh, giliw ko Hinding-hindi ako magbabago Pag-ibig ko sa 'yo'y 'di maglalaho Laging tapat, pakaasahan mo Ikaw lang ang mahal, wala nang iba Nag-iisang ikaw habang may hininga Maniwala ka sana, aking sinta Ngayon at kailanman, mamahalin kita Ikaw lang ang mahal, wala nang iba Nag-iisang ikaw habang may hininga Maniwala ka sana, aking sinta Ngayon at kailanman, mamahalin kita Ngayon at kailanman, mamahalin kita Ngayon at kailanman, mamahalin kita