Ikaw at ako, 'yan ang pangako Pagmamahalan natin, 'di magbabago Gumuho man ang mundo Magkasama pa rin tayo Naaalala pa nang tayo'y nagsumpaan Nakaupo tayo sa may damuhan Magkahawak-kamay, abot-tanaw ang buwan Bulong ng damdamin, 'di na mapipigilan Ikaw lamang at ako Ating sumpaan at pangako Na 'di maghihiwalay, oh giliw ko Ang pag-ibig natin, 'di maglalaho Mga araw at buwan, 'di namamalayan Ilang dekada na ang dumaan Ikaw at ako, nagmamahalan Hanggang sa dulo ng walang-hanggan Ikaw lamang at ako Ating sumpaan at pangako Na 'di maghihiwalay, oh giliw ko Ang pag-ibig natin, 'di maglalaho Ikaw lamang at ako Ating sumpaan at pangako Na 'di maghihiwalay, oh giliw ko Ang pag-ibig natin, 'di maglalaho 'Di maglalaho