Nang ako ay ikulong sa selda ng mang-aapi Landas ko'y nagdilim sa kalungkutan Mga mata ko'y luhaan at 'di alam ang gagawin Sa loob ng rehas na bakal Kay hirap ipaliwanag ang katotohanan Dukha lamang ako at walang yaman Pinaratangan ng kasalanan na 'di ko naman nagawa Ng mga taong halang ang kaluluwa Sa piitan, kay lungkot ng aking buhay Pagtitiis at pawang pagdurusa Wala nang pag-asa na ako ay lumaya Dahil sa habang-buhay na hatol sa akin At nang ako ay litisin doon sa hukuman Ako'y napaiyak nang ako'y hatulan Naging pasiya ng hukuman na ako ay makulong At magdusa nang mahabang taon Nasaan ang katarungan sa isang katulad ko? 'Di ba't batas natin ay pantay-pantay? Batas ng tao, kung minsan ay 'di ko maintindihan Ilan pa kaya ang magiging katulad ko? Sa piitan, kay lungkot ng aking buhay Pagtitiis at pawang pagdurusa Wala nang pag-asa na ako ay lumaya Dahil sa habang-buhay na hatol sa akin Sa piitan, kay lungkot ng aking buhay Pagtitiis at pawang pagdurusa Wala nang pag-asa na ako ay lumaya Dahil sa habang-buhay na hatol sa akin Dahil sa maling paratang