Ang 'yong kahirapan 'Di dapat pagsisihan Kung ang kapalaran Bigay sa 'yo ng Maylalang Limutin mo ang kalungkutan Sinungaling ay pagtiisan Bukas, sisikat ang araw Lulunasan ang iyong pamamanglaw Noon, ikaw ay nilikha Ng Poong pinagpala Kung ito man ang kapalaran Tanggapin mo 'pagkat 'yan ay pagsubok lang 'Wag kang magdaramdam Kung kabiguan ang 'yong makakamtan Sadyang ganyan ang buhay May pait at ligayang nadarama Lumaban ka, 'wag susuko Taas-noo kang humarap sa tao Batas ng langit kung sa lupa'y sundin mo Bagong umaga'y matatamo 'Wag kang magdaramdam Kung kabiguan ang 'yong makakamtan Sadyang ganyan ang buhay May pait at ligayang nadarama May pait at ligayang nadarama