Ako'y naririto, nagbabanat ng buto Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabyano Anong hirap talaga ang kumita ng pera Kakapal ang 'yong kamay, masusunog pa ang kulay Sa aking pagtulog, ang laging iniisip Bumilis na ang araw upang ako'y makabalik Itinigil ang bisyo, alak, sugal, sigarilyo Upang makaipon, magtitiis na lang ako Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin At ako ay natuwa, sumulat ang aking anak Ako ay nabigla at agad ay lumuha "Itay, umuwi ka, dalian mo lang sana Si Inay ay may iba, nagtataksil sa 'yo, Ama" Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin At ako ay umuwi, gabi na nang dumating Ang dal'wa kong anak, sa malayo nakatingin Mata'y namumula, halos nakapikit na Ang kanilang kamay, may hawak na marijuana Ngunit ang masakit, ako'y nagtataka Dalawa naming anak, bakit ngayon ay tatlo na? Mahal kong asawa, may kasama na siyang iba Anong lupit naman, dala pa ang aking pera Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin