Panyolito, panyolito Ito'y aking iaabot sa 'yo Giliw ko, tanggapin mo itong aking panyolito Ito'y palatandaan ng pag-ibig ko sa 'yo At kung sakali mang tayo ay 'di na magkita Itago mo ang panyolito na sa 'yo'y alaala Ako ay pupunta doon sa malayong lugar Aking hahanapin ang magandang kapalaran Malulungkot ka man at luha'y 'di mapigilan Pahirin mo ng panyolitong aking iniwan Panyolito, panyolito Ito'y munting alaala ko sa 'yo Panyolito, panyolito Ang siyang ipahid sa mga luha mo Ayaw ko sanang mapalayo sa piling mo Ngunit sadyang mahirap ang buhay natin dito Tayo'y maglalayo ngunit ating ipangako Pag-ibig natin ay hindi magbabago Panyolito, panyolito Ito'y munting alaala ko sa 'yo Panyolito, panyolito Ang siyang ipahid sa mga luha mo Giliw ko, tanggapin mo itong aking panyolito Ito'y palatandaan ng pag-ibig ko sa 'yo At kung sakali mang tayo ay 'di na magkita Itago mo ang panyolito na sa 'yo'y alaala Itago mo ang panyolito na sa 'yo'y alaala Panyolito, panyolito Sana ay iingatan mo