Kishore Kumar Hits

Curse One - Tanging Hiling (feat. Abie & Marrion) lyrics

Artist: Curse One

album: The Singles


Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandiyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako tatanungin, sasambitin, ikaw lang ang aking hiling
Alam ko naman na, alam mo na malayo tayo sa isa't isa
Pero kahit na ganon alam mo naman na minamahal kita
Kahit na malayo ang ating agwat o kahit na meron tayong pagitan
At least, tunay na pag-ibig naman na sa atin dalawa ay namamagitan, kahit
Merong kahirapan at hindi nga kita nakakasama
Ikaw lamang ang tanging babae na saakin ay nag-pa paligaya
Dati-rati walang sigla, pero ngayon ako ay biglang nag-iba
Buhay ko'y nagka-direksyon, tumuwid, nawala ako sa landas na masama
Maraming salamat sa'yo sa mga hinatid mo na kasiyahan
Sa aking buhay na nilagyan mo nga ng ngiti at ng kaligayahan, na
Ikaw lamang ang siyang nasa akin, bukod tanging nakapagbigay
Sa pagi-ibigan nating tunay para sakin ay wala ng maka-kapantay
Sana naman ay matupad ang ng aking hini-hiling
Na makasama ka na balang araw ay lagi ko ng pina-panalangin
Dinadalangin ko na sana ay marinig ng maykapal
Ang akin dasal upang sa wakas ay makasama ko na ang aking mahal
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandiyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako tatanungin, sasambitin, ikaw lang ang aking hiling
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandiyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako tatanungin, sasambitin, ikaw lang ang aking hiling
Sa tuwing ako ay gigising, sa umaga ang hinahanap ko kaagad ay ikaw
Pangalan mo'y aking sinisigaw, Sana'y malinaw mong matanaw
Na buong puso kong binibigay ang pagmamahal ko na sayo ko lamang naramdaman
Susugurin kahit na malakas ang ulan, para nang kahit papano makasama ka naman
Hay nako, sana ay mabigyan mo naman ang gaya ko ng kahit konting pagtingin
Hindi pera o bayong ang kailangan ko
Pagka't ikaw lang ang tangi kong hinihiling
Sa maykapal at sana bigyan ako ng kapal ng mukha para naman na masabi ko na sa iyo
Ang lahat ng mga bagay na nangyari at naiba simula ng dumating ka sa buhay ko
Dati rati kasi ako'y parang gulay na hindi mabenta at nalalanta
Pag nakikita ka di na makapasalita't at biglaang natataranta
Uh, sana di ako masalanta pagka't napakalakas ng dating mo parang bagyo
Ako'y natangay ng kislap ng yong matang parang mga talang bumagsak sa mundo
Kaya sa PC ko, naka-save na lahat ng iyong larawan na nagsisilbing
Kasiyahan at bumubuo ng araw ko para ko'y makatulog ng mahimbing
At tanging hiling ko sana ako'y bigyan ng kahit konting pagka-kataon
Gusto kong malaman mong mamahalin kita malayo man ang ating destinasyon
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandiyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako tatanungin, sasambitin, ikaw lang ang aking hiling
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandiyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako tatanungin, sasambitin, ikaw lang ang aking hiling
Alam ko na malayo na magustuhan mo ang tulad ko
Pero sa oras na kailangan mo
Nandito lang ako para lamang sa iyo
Sana'y malaman mo na ikaw lamang ang nag-iisa
Ikaw ang tanging pinapangarap ko
Minamahal kita
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandiyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako tatanungin, sasambitin, ikaw lang ang aking hiling
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandiyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako tatanungin, sasambitin, ikaw lang ang aking hiling
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandiyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako tatanungin, sasambitin, ikaw lang ang aking hiling

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists