Biyaya ng maykapal ang isang tulad mo Ikaw ang dahilan kung ba't ako nabubuhay Puso ko'y sa 'yo, sa 'yo Wala nang hihilingin pang iba Kung 'di ika'y makasama at ika'y makayakap Nang buong magdamag ay ayos lang Abutin man tayo ng pagsikat ng araw Pag-ibig ay nakabantay sa 'yo Tangan mo ang puso ko Pangarap kong ibigin ka habang buhay Kung ano-ano ang nangyayare kaguluhan sa mundong ito (sa mundong ito) Ang isip ko'y gulong gulo tapos sa paikot ikot sa labas ako'y hilong hilo Ngunit balewala 'yon dahil sa 'yo na kaya kong hindi mag patangay sa alon at Dahil sa may mas dapat dapat tuunan ng panahon at 'yon ay ikaw Na nagbibigay ng inspirasyon sa yakap mo ako'y panatag na tunay na Pagmamahal sa 'yo ay nadama Lahat ay kakayanin ko basta nandyan ka Wala nang hihilingin pang iba Kung 'di ika'y makasama at ika'y makayakap Nang buong magdamag ay ayos lang Abutin man tayo ng pagsikat ng araw Pag-ibig ay nakabantay sa 'yo Tangan mo ang puso ko Pangarap kong ibigin ka habang buhay Nais ko na ikaw ay aking makasama sa panghabang buhay (sa panghabang buhay) Ikaw ang gusto ko na lagi kong yakap-yakap At laging kong hawak-hawak ang mga kamay Ang babaeng pinangarap na kay tagal kong hinanap At aking hinintay na tuluyang mapasakin ka 'Di na sasayangin pa ang bawat pagkakataon na binigay sa 'kin ng Diyos Ama Wala ng iibigin pa kung 'di ikaw, kung 'di ikaw, mahal na mahal kita Wala nang hihilingin pang iba Kung 'di ika'y makasama at ika'y makayakap Nang buong magdamag ay ayos lang Abutin man tayo ng pagsikat ng araw Pag-ibig ay nakabantay sa 'yo Tangan mo ang puso ko Pangarap kong ibigin ka habang buhay Hinding-hindi ako mag babago 'Di ako lalayo sa 'yo Asahan mong hindi mawawala ang pag ibig ko Kontento na ako sa 'yong pagmamahal Wala nang hihilingin pang iba (wala ng hihilingin pa) Kundi ika'y makasama at ika'y makayakap (oh) Nang buong magdamag ay ayos lang Abutin man tayo ng pagsikat ng araw (ng pagsikat ng araw) Pag-ibig ay nakabantay sa 'yo (woah) Tangan mo ang puso ko (tangan mo ang puso ko) Pangarap kong ibigin ka (ooh) Habang buhay