Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan Baka may kakilala Ka na pwede kong utangan Kasi alam Mo na sa tong-its, talo ako Puwede bang bigyan ako kahit anim na numero? Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan Sana'y may artista na maka-date man lamang Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez Sana ako'y pumogi, pumuti, at maging flawless Kinakausap lang Kita kapag nangangailangan No'ng ako'y binasted ng aking nililigawan Problemado po ako at wala 'kong pang-inom Ang hina ko sa 'Yo, 'yun ang hinala ko noon Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan Ang aking iniisip, puro pansarili lamang At kapag may mabigat na problema at seryoso Doon ko lang naaalala ang pangalan Mo Lord, patawad 'Pagkat ako'y makasalanan Makasalanang nilalang Lord, patawad 'Pagkat ako'y makasalanan Makasalanang nilalang Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang 'Pag may bagong damit na ipagyayabang 'Pag may bagong biling mahal na pabango Kapag bago ang shoes o kaya ang relo Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang 'Pag may jowa akong makakalampungan Kapag may mga bebot na ang gaganda Kapag mayro'ng baklitang nakakatawa Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang 'Pag and'yan ang tropa't nagkayayaan Hahanap ako ng mapagti-tripan Pagkatapos ng misa ay aabangan Lord, patawad 'Pagkat ako'y makasalanan Makasalanang nilalang Lord, patawad 'Pagkat ako'y makasalanan Makasalanang nilalang Akala ko dati ay kaya ko na Kaya ko nang mabuhay mag-isa Ang daming trabaho, babae't pera 'Pag ako'y sagana, 'di Kita kilala Naalala Kita no'ng ako'y nakulong Parang bubuyog, bulong nang bulong 'Pag may kamalasan sa 'king nangyari Ikaw lang nang Ikaw aking sinisisi Kapag mayro'ng debate, sino'ng magaling? Sino'ng matuwid? Sino ang nagsinungaling? Ako'y naiiling at mistulang sanggol 'Di man lamang Kita kayang ipagtanggol Sinosolo ko lang ang bigay Mong blessings 'Pag kumanta ako, dapat ay bayad din Bakit nga ba sa 'Yo ay wala akong time? Pa'no kung Ikaw na ang mawalan sa 'kin ng time? Lord, patawad Lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh, Lord Lord, Lord, Lord, patawad Lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh, Lord Sa puso ko'y lagi S'yang kumakatok 'Di ko binuksan, 'di ko pinapasok Tuktok ng bundok na Kan'yang inakyat Tignan ko pa lang, ako ay nilagnat Dapat ako ang ipako sa cross Dapat ako ay siyang nanlilimos Ng awa't patawad sa ating Ama Ngunit masama pa ang pinadama Da-da-da-da-da-da-da-da-da-da Puro ako salita at dada Sa biyaya, ako'y naaatat Pero kahit kailan, 'di nagpasalamat Nagduda ako sa kakayahan Mo 'Di ako nararapat sa Iyo Masyado akong mapagmalaki Pero kahit kailan, hindi Ka naghiganti Lord, patawad 'Pagkat ako'y makasalanan (lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh) Makasalanang nilalang (Lord) Lord, Lord, Lord, patawad 'Pagkat ako'y makasalanan (lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh) Makasalanang nilalang (Lord)