Paggising ko sa tanghali Naaalala ko ang iyong ngiti Kompleto na naman ang araw ko Pagbukas ko ng kompyuter Sana ay online ka sa internet Baka sakaling makausap ka ulit Nar'yan ka lamang, pero parang ang layo mo Para bang kinukurot ang puso kong ito Kung puwede lamang, sana minsan paggising ko Ika'y nandito na at kayakap ko Parang buang, monitor ang hinahalikan Niyayakap ko na lang o 'di kaya'y tinatabihan Ang 'yong larawan, palagiang minamasdan Bago matulog ay nais kitang hagkan Nar'yan ka lamang, pero parang ang layo mo Para bang kinukurot ang puso kong ito Kung puwede lamang, sana minsan paggising ko Ika'y nandito na at kayakap ko Bawat oras, bawat sandali, 'di ako makangiti Lagi kong hinihingi, sana naman ay umuwi Sa bahay na nasanay, dati-rati 'tong maingay Dati-rati ring makulay, ngayon ay wala nang buhay Puro anay at alikabok, usok at mga lamok Tumitilahok na manok, hindi pa din inaantok Sa sulok ay nag-iisa, sobrang miss na miss kita Picture mo'y laging dala, maski sa'n ako magpunta Nag-aalala kung nasa'n ka Kumain ka na ba? Kung okay ka Dapat palagi ka lang masaya Okay lang ako, 'wag kang mag-alala Hinahanap-hanap kita Gabi-gabi na lang na panaginip ka Nananabik ako na makapiling ka Pinagdarasal ka 'pag nagsisimba Dating SIM pa ang ginagamit Hindi nagpapalit kahit gasgas na Mag-text ka na lang o tumawag ka Kung wala kang load, mag-request ka Mag-email ka o telegrama Alam mo naman kung saan ako nakatira Sige na, bumalik ka na, please lang Gagawin ang lahat makapiling ka lang Nar'yan ka lamang, pero parang ang layo mo Para bang kinukurot ang puso kong ito Kung puwede lamang, sana minsan paggising ko Ika'y nandito na at kayakap ko Miss na miss ko na ang prinsesa ko Miss na miss ko na ang anak ko