Kishore Kumar Hits

Apekz - AsaKaBwoii lyrics

Artist: Apekz

album: AsaKaBwoii


Everybody chillin' when I'm feelin' weak
I'm just tryna find a box to put my feelin' in
Tone and mode to the beat
I guess we're killin' it, killin' it
Can a hero give a little love
Without you in this block
Tryna find a word for my passion
For this music in my end
I guess I call it love (yo)
'Di nila inaasahan na tatagal nang ganito (ah)
'Di huminto o nangalay parang mga kamay ng relo
Walang inaasahan, nakakapit sa pinanghawakan
Sumaludo parang kapitan para sa isang kapitapitagan
Valenzuela Bwoii, hell, yeah, tabalado mga peste
Mga tunay lamang ang pwede, sa sirkulo walang peke
Sa harap, sa likod ng lente, natural parang amat ko 'pag nasa ere
Hilahan pataas to syempre (uh)
Maraming pumupusta na ako ang matutusta
Pero, sino ang naubos sa bumuga ng apoy, sunog laman ng mga bulsa?
Sinalo ang mga kutsa, pero 'binalik ko sa kanilang mukha
Nilubog, binaon, pumalag, at muling umangat na parang isang punla
Araw-araw ko lang sinipagan, naaning sa 'king mga binitawan
Mga nasiraan ng bait kasi 'di matibag no'ng ako ay siniraan
'Di pinanghinaan, lalo pang ginaganahan kapag pinipilit nila na tapakan
Iba't iba ang uri ng kasikatan, nabilad 'to kaya 'to ginagalang, may napatunayan
'Di umasa sa tsamba, sa krus o kara, o bahala na si Bathala
O tadhana, tyinaga ng batang taga kwadra
Hanggang hahinog ang bunga nakapwesto, malabo nang mapahinto pa
Kaya manawa ka sa itsura hanggang sa 'di mo na masikmura
Parang baliw kapag mag-isa, musika lang ang nagpapatino
Minsan nakakabanas dahil nga ang tadhana palagi ay palabiro
Pero maraming hinugot na aral, deskarte, istilo sa pagkabigo
Ngayon, kahit na mismong may ayaw sa akin nakaabang sa mga gagawin ko
Sa gera laging handa, nasa aking kamay ang bandana
'Kababa na ang balaclava, natutunan ka sa kalsada
'Yung iba may tira, habang 'yung iba naman mayro'n lang kargada
Nagmistulang tingga 'yung tinta no'ng sinalinan na sa papel, nagbabaga
Na parang ganja, mapapalubog mo 'ko? Asa
Matalo mo 'ko may tyansa, pero babalik parang karma
Sipag ko mala-Mamba, palaging ganado, alam 'yan ng masa
Kaya nga ako masagana, ngayon sino'ng huling nakatawa, haha!
'Di ako nagmadali, kinuha muna respeto bago salapi
No'ng nawalan ng paki, mayro'n pala tayong sariling tama't mali
At kahit pa lumamig, handa akong magmasid, makulong, at bumalik
Nang walang patid, laging sabik na sa bagong lebel pumanhik
Madulas man o matalisod pa, dahil sa balanse matagal maitumba
Tinanim, nagkabunga, at naipon na
Ngayon na ang panahon para malikom, ah
Mga bibig ay napatikom, bumubukas lang 'pag nakatalikod
Galit sila, 'di na nila mabilog
Lipad ay matayog habang nasa Kinton Cloud
No'ng unang pumasok agad nambulabog at upang umabot papuntang tugatog
Nahulog, bumangon, naubos 'yung takot, nawalan din, kalaunan humakot
Kahit matandain, limot ko 'yung pagod
Piniga 'yung ulo para mag-ingay, parang bao kaya sulit 'yung kayod
Mulat na at 'di nangangapa, hanggang madadala 'di madadala
Tatatak sa isip ng mga madla, pamana na nagbunga sa pagkadapa
Nakahanda, lagi lang nakakasa, nakamarka dahil may pagmamahal
Kaya naman, kung sa tingin mo 'di na 'to magtatagal o mawawala
AsaKaBwoii
Everybody chillin' when I'm feelin' weak
I'm just tryna find a box to put my feelin' in
Tone and mode to the beat
I guess we're killin' it, killin' it
Can a hero give a little love
Without you in this block
Tryna find a word for my passion
For this music in my end
I guess I call it love, love

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists