Wag mo pilitin na isipin na walang pag-asa Pagkat meron pa yan Tingnan mo yung karamihan na meron pasan Daig pa ang kuba pero di nagpapahalata Sila pang magtatanong kung nakakain ka na Namamagang mga mata mga hitang pata-pata Pakiramdam mo ba ay meron kadena sa paa Dahil sa bossing mong panot, masungit at lobo ang tyan Naku kung ako sayo tatawanan ko lang yan Dahil alam mo naman ang pagsubok Dadaanan mo yan para mahubog Wala namang mali sa pagsugod Kung walang pinapalampas wag kang matulog At kung sakaling mahulog tandaan na meron sasalo Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo Hindi uso ang bakasyon kahit araw ng sabado Walang hintuan mapagod man o hatakin ka ngayon ng kama mo tara... Bilisan arangkada Wala munang papara Kahit na madapa ka Huwag isiping wala na Basta't tandaan lang na lagi kang may kasama Pagpatuloy ang martsa Bilisan arangkada Bilisan mo lang Di lamang ikaw ang may problema... marami Ang payo ko sa iyo ugaling tsinelas palagi Problema sa pera at problema sa renta Problema sa pag-ibig ganyan talaga Oras-oras napapaisip at napapatitig sa salamin... nanahimik Tinitigan mo sya at bigla kang napahirit Magaling ka kumanta bakit hindi ibirit Todo bigay at halos mapatid ang litid Papadaig ka ba sa utak na makitid Eh ano sa kanila kung bigla kang tumirik Maraming kokontra natural ang mabwisit Ang mamato ng bunga dyan sila mahilig Nagkalat ang ganyang uri ng tao sa paligid Pero salamat na rin kaya ako lageng mainit Hanapin ang sagot bawal ang sirit Magagawa mo rin ang kaya mong gawin sa panaginip Alam mo ba na nagsimula lang din ako sa kalye Hindi pa swabe, kabado pa date, pasmado pa pare Madalas na sermonan pero ganado palage Ok lang pagsabayin basta pasado sa klase Yan ang sabe alam ko na mahirap yun gawin Pero ako si makulit kaya tinutuloy pa rin Derederetso na kapag meron inayang dumating Inaraw-araw dahil nagbakasakaling gumaling Lahat ng bumangga dapat ay bulagta Umabot pa nga sa punto na naging sugal na Yun nga lang pano na lang kaya pag ako'y gurang na Nung maisip ko yon parang ayaw kong tumanda Kaso hindi naman pwede na ganon Kasi nga mas mabilis pa kay Lydia tong takbo ng panahon Bago pa mapunta don susulitin ko na muna Dahil ang lalakarin ko ay sadyang malayo-layo pa At kung sakaling mahulog Tandaan na meron sasalo Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo Bilisan mo lang