Mapa, mapa, mapa Mapa, mapa, mapa Siyam na buwan sa sinapupunan Dugo, luha at pawis ang naging puhunan Pinag-ukulan ng tiyaga at pagpapagal Ang tanging pinagkukunan ng lakas ay pagmamahal Sa lahat ng sandali Kailanma'y 'di inisip ang kanilang sarili Mapamalagi lamang at mapanatili Na araw-gabi kumakandili hanggang sa paglaki at kahit Sa'n makarating Ang bilin niyo ang dadalhin Laging lilingunin Mga payo niyo ang bibitbitin Mapadpad man sa malayo Mapapalinaw ang malabo Mapapanatag aking puso 'Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo Mapa, mapa, mapa Mapa, mapa, mapa Mapatawad niyo po sana Ang inyong anak na madalas nagkakasala Pagpasensiyahan niyo na kung minsan 'di ko alintana Ang mga kamalian ko na hindi ko maitama Mga salita na pabalibag at padabog Ngunit kayo ni ayaw niyo 'kong padapuan sa lamok Iningatan huwag mahulog sa papag nang hindi mabagok Nilunok ko ang pangaral hanggang sa huling lagok Na palaging baunin ang pagiging mabuti Walang batang napahamak na sumunod at nalugi Kayo ang humalili upang mapanatili Ang tatag ng tahanan dahil sa ilaw at haligi Walang ibang hangad kundi ang mapabuti Maiayos, mapag-aral, mapatapos at mapangiti Mapasaya, mapaganda ang buhay sa hinaharap Dala-dala ang paalala, sa'n man mapadpad na kahit Sa'n makarating Ang bilin niyo ang dadalhin Laging lilingunin Mga payo niyo ang bibitbitin Mapadpad man sa malayo Mapapalinaw ang malabo Mapapanatag aking puso 'Di ako maliligaw dahil Kayo ang lumalarawan sa patag kong mundo Hilaga, silangan, timog, at kanluran Ng aking puso kayo ang bumuo Hinarap, pinasan ang bigat binigay ang buong lakas Upang mapangalagaan at mapatunayan Dalisay na pag-ibig sa anak hanggang wakas kahit Sa'n makarating Ang bilin niyo ang dadalhin Laging lilingunin Mga payo niyo ang bibitbitin Mapadpad man sa malayo Mapapalinaw ang malabo Mapapanatag aking puso Sa'n makarating (sa'n man makarating) Ang bilin niyo ang dadalhin (ang bilin niyo ang dadalhin) Laging lilingunin (laging lilingunin) Mga payo niyo ang bibitbitin Mapadpad man sa malayo Mapapalinaw ang malabo Mapapanatag aking puso 'Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo Mapa, mapa, mapa Mapa, mapa, mapa Mapadpad man sa malayo Mapapalinaw ang malabo Mapapanatag aking puso 'Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo