This is a story about the boy Bata palang palaboy na at tinataboy Maaga palang pakalat kalat sa daan Ang mga magulang di alam kung nasaan Maaga silang naghiwalay Kayat para syang pusang kalyeng naglalakbay Sa ibat ibang lugar at sa ibat ibang dako Hanggang mapasali sya sa sindikato Hanggang sa paglaki itong nagturo sa kanya Maging matigas dugong pusakal ang dumadaloy Bigyan'g daan eto na ang Badboy Lumaki sya sa basag ulo Pinapasok nya lahat ng gulo Walang pakialam kahit hindi nakapag aral Dapat sa kalye, ang sikmura mo bakal Kumikita sya sa panghahablot Pati sa pagtutulak ng droga nasangkot Wala na syang pinag iba sa kontrabida Sa mga sine nakikita sa pelikula Nagsimula sya hawak lang ay patalim Hanggang magka baril pailalim kung tumingin Kaya akala mo kung sino nang umasta Bigyan'g daan (Wazup Gangsta?) Ngayon syay gulong gulo Di na nya alam kung kanino tatakbo Marami syang kaaway kahit saan sya magpunta Araw araw nakakatanggap ng banta Pero, Nananatiling matigas Gusto daw nya pakita ang kanyang lakas Sabay na kung sabayan hanggang magka ubusan Akala nya lahat ng to walang katapusan Ngayon syay nakakulong Sa sulok ng selda sya ay bumubulong Ngayoy nagsisisi at iniisip saan nagkamali Gusto nya sanang magbago pero nahuli Wala ka nang magagawa At wala ka nang dapat sisihin pa Di mo na masisisi ang yong magulang Ikaw mismong nagkulang Lumaki kang Badboy