Magkasabay na naglalakad sa dalampasigan Nagkukwentuhan, dalawang magkaibigan Mga paksa na kung ano ang maisipan Nagtatanungan kung ano ang kahilingan Ang sabi, ko hiling ko lang magkaron ng tyansa Na yung kalsadang malubak magkaron ng plantsa Para maging patag saka magkaron ng plaza Ang ulam ng mahirap sana magkaron ng lasa Sabi mo, ang gusto mo para din sa bayan Wag mapabayaan, nang maginhawaan May tulong na nakaabang sa napinsalaan Dapat na magkaisa at wag maging gahaman Tayo ay natutuwa sa ganung usapan Na itutuloy natin sa kinabukasan Sa una ay mga biruan saka tawanan Unti-unti'ng lumalapit sa katotohanan Sana maalala mo Sana makilala mo (Dalampasigan) Sana maalala mo Sana makilala mo (Naglalakad) Sana maalala mo Sana makilala mo (Sa dalampasigan) Sana maalala mo Sana makilala mo Isang araw nagpaalam ka, ikaw ay aalis Dahil ang iyong magulang na-destino sa Paris Kahit nakakainis, ito ang aking nasabi... "Wag mo kong kalimutan at mag ingat ka palagi" At ng ikaw nga ay wala parang andaming nag-iba Habang namamasyal sa dalampasigan mag-isa Sa paulit-ulit na kwentuhan nating dalawa Halos bawat nalitanya mo ay aking kabisa At balita ko nag-aral ka maraming kurso Habang ako di nakatapos, nagtrabaho ng husto Dahil kami mahirap lang, kahit di ko man gusto Nagtitiis nalang kahit masungit ang boss ko May mga araw na nagiisip ako tungkol sayo Siguro nga'y punom-puno na nga ngayon yang bulsa mo Estado man magkalayo na kung ating susukatin Sana matuloy yung dati pag-uwi mo dito satin Sana maalala mo Sana makilala mo (Dalampasigan) Sana maalala mo Sana makilala mo (Naglalakad) Sana maalala mo Sana makilala mo (Sa dalampasigan) Sana maalala mo Sana makilala mo At makalipas ang ilang taon, ilang dekada Ako'y nag ti-tyaga parin mag-ulam ng de lata Medyo nababahala, tayo'y hindi na bata Naaalala mo pa ba 'ko? Hindi na yata Dahil baka sa dami ng trabaho sa senado Kaya bihira ka na din na mapunta sa baryo Balita ko takot ka sa madungis at mabaho Para ba' ng prinsipyo mo unti-unting nabago Dahil ang taas mo na, parang di ka maabot Mga kaya mong bigay, bakit pinagdadamot? At ngayon ang kahirapan kaya mo nang magamot Tinatanong ko plano mo, hindi mo ko sinasagot Parang nag-iba ka na, parang di na kilala Kaya sa dalampasigan muli kita'ng dinala Kung saan mga pangarap natin dun nagsimula Tapos yumakap ka sa akin at bigla ka'ng naluha Patawad sa iyo Kung meron man akong... Hindi natupad Maaari pa ba kitang sabayan Sa paglalakad Sana maalala mo Sana makilala mo (Dalampasigan) Sana maalala mo Sana makilala mo (Naglalakad) Sana maalala mo Sana makilala mo (Sa dalampasigan) Sana maalala mo Sana makilala mo Sana maalala mo Sana makilala mo (Dalampasigan) Sana maalala mo Sana makilala mo (Naglalakad) Sana maalala mo Sana makilala mo (Sa dalampasigan) Sana maalala mo Sana makilala mo