Kung kailangan mo ng kausap Kung kailangan mo ng karamay Kung kailangan mo ako Darating Darating Pinulot Sa mesa ang baba Umapaw sa luha at nagbaha Hindi makuntento May hindi na-kuntento Kaya ngayon sayad ako sa lupa Teka lang ngayon Parang di na yata yung ikaw Na matibay ang loob at di basta bumibitaw Nasan ang isipan, bakit para bang naliligaw? Bakit ganyan ka magisip Tila manggang nahihilaw Kasi maasim Maasim ang kinakasadlakan Mga balakid sa daan tila di na malagpasan Ngayo'y wala na akong pera Wala pa ring trabaho Walang pinagbabago At tila pasan-pasan Mga problema Alam ko na kung minsan patung-patong Na para bang bagyong humampas sa barong-barong Pero dapat ay bumangon pag ikaw ay nadapa Pero bumangon man ako, wala pa ring magagawa Kung kailangan mo ng kausap Kung kailangan mo ng karamay Kung kailangan mo ako Darating Darating Alam mo Di lang ikaw ang may mga dalahin May pagsubok man sayo Meron din para sa akin Sa amin Sa kanila at kung kani-kanino Walang hindi namomroblema Kahit na sino Madali lang yan sabihin Mahirap na gawin May bagay na di makuha Kahit pilit tyaga-in Parang babaeng niligawan Aagawin ang pansin Pero sa bandang huli Balewala parin Anong klaseng dahilan yan Parang baluktot Parang sinabi mong Habang buhay ka ng malungkot Kung mangangarap Akyat ka lang hanggang sa tuktok Para bumaon ang pako Dapat may pumukpok Ginagawa naman lahat Pero bakit suma-sablay Sa agos ng buhay Na pilit sumasabay Wag mawalan ng pag-asa Marami ang gumagabay Dapat lalong tumatapang Habang ika'y umaaray Kung kailangan mo ng kausap Kung kailangan mo ng karamay Kung kailangan mo ako Darating Darating Kung kailangan mo ng kausap Kung kailangan mo ng karamay Kung kailangan mo ako Darating Darating Darating At kung di ka kumbinsido Eto makinig ka Dapat tibayan ang loob, kapag nakikidigma Marami ang pagsubok Hahamunin ang tigas Dapat mag paka-tatag Para hanguin ang bigas Sa dating palay Mula sa palad ng mag-sasaka Bawat butil sa bukid Hindi dapat mag pa-baya Ang ugali ng Pinoy Kahit may nagpapakaba Nakukuha pang ngumiti Kung minsan nagpapatawa Sana makuha mo ito Na hindi yan ang wakas Gamitin mo ang iyong puso at natitirang lakas Laging may hamon bawat bukas Laglag kahit malakas Tandaan mo lang palagi na May langit sa taas Wag ka ng mag-alangan Manatiling palaban Iisa lang ang mundo na ating ginagalawan Pag-asang nakalaan Nasa iyo ang paraan Maglakbay ng diretso Kahit maputik sa daan