Woah, oh-oh, oh-oh Hindi ako bibitaw Sa pinakamahirap ika'y yayakapin Tignan mo ang dami ng Mga pagsubok na hindi umubra sa 'tin Ngayon pa ba tayo aayaw Ngayong tanggap mo naman na ang lahat Ngayong alam mo nang hindi talaga madali ang magmahal Mga paa'y iusad Bitawan ang bigat na nilululan Ngiti naman ibungad Katapusan na nitong kalungkutan Woah oh Malamang 'di mo na maintindihan Magulo kasi lahat ay nasa isip lang Puro mapait na lang ata natitikman Kung titignan kaya mo naman pagsubok kaya ka binibigyan Ang kaso lang nu'ng nagkaro'n ng kagipitan Iba iyong kinapitan, alam ko pinanggagalingan mo Tanggap kong hindi ako ang unang lalapitan mo Kaya wala akong magagawa Pero nandito ako 'pag kailangan mo 'ko Kahit na palagi na nasasaktan Ang pangako ko sa 'yo'y Hindi ako bibitaw Sa pinakamahirap ika'y yayakapin Tignan mo ang dami ng Mga pagsubok na hindi umubra sa 'tin Ngayon pa ba tayo aayaw Ngayong tanggap mo naman na ang lahat Ngayong alam mo nang hindi talaga madali ang magmahal 'Di palaging may kilig Kailangang makinig Tanggapin ang mga mali mo Galit ay hindi iniipon Kung bibig ititikom lang Ang malalim na sugat ay 'di maghihilom Kausapin mo 'ko Kung may problema ka, don't deal it by your own 'Wag magsolo Nandidito 'ko para palakasin loob mo Tandaan mong hindi tayo magkalaban oh Kaya't kamay ko'y hawakan mo Magtiwala ka, magtiwala ka, magtiwala ka Maniwala ka, maniwala kang minamahal kita kaya Hindi ako bibitaw Sa pinakamahirap ika'y yayakapin Tignan mo ang dami ng Mga pagsubok na hindi umubra sa 'tin Ngayon pa ba tayo aayaw Ngayong tanggap mo naman na ang lahat Ngayong alam mo nang hindi talaga madali ang magmahal Mga paa'y iusad Bitawan ang bigat na nilululan Ngiti naman ibungad Katapusan na nitong kalungkutan Oh 'wag mong sukuan, gustong makuha Sulit lahat ng matatamo na sugat 'Wag mong sukuan 'pag gustong makuha Sulit bawat pagpatak ng iyong luha Oh-oh 'di talaga madali ang magmahal Oh-oh 'di talaga madali ang magmahal