Kishore Kumar Hits

Bigshockd - Tama na lyrics

Artist: Bigshockd

album: Tama na


Tama na
Ayoko na
Di ko na kayang masaktan mo pa
Kung babalik ka ay di na pwede pa
Sa piling mo'y di na makahinga
Kaya tama na
Bawat sabihin mo sakin
Ayaw ko ng maniwala
Pakikinggan ka kahit alam kong hindi na kapani-paniwala
Ang mga pangako mo sakin, na ako lang
Pero lumipas ang ilang taon ay meron ka ng bagong kinabaliwan
Ano ba ang nagawa ko? bakit nag kaganito?
Nag kulang ba ko sa iyo?
Lahat naman ginawa ko pero bakit ikaw parin ay nag loko?
Ibinigay ko ang lahat ng oras ko at halos sundin lahat ng gusto mo
Para mapatunayan ko lamang na tanging ikaw lang ang minamahal ko
Saan ba ako nag kulang? lagi nalang lumuluhang
Patago para lang di mo makita ang katulad kong nag durusa
Parang alipin sa kasusunod sa iyo
Labis na ang sakit kaya hindi ko na kaya na magtiis ng ganito
Nakakadala ng paulit-ulit
Ang patawarin ka di na sulit
Hindi na ako yung katulad ng dati na pagbibigyan ka na lamang ulit
Iniwan mo man ako na luhaan
Nangakong hindi kana pag bibigyan
Wala ka ng babalikan
Lahat ng sakit ay hindi mo mapapalitan
Tama na
Ayoko na
Di ko na kayang masaktan mo pa
Kung babalik ka ay di na pwede pa
Sa piling mo'y di na makahinga
Kaya tama na
Ayoko na tama na
Paulit ulit nalang eh
Masakit na sakin at nadudurog nalang kasi
Ang puso ko na dapat ay iniingatan mo
Kaso kabaliktaran lahat ay sinugatan mo
Halos ako ay mag bulag-bulagan para manatili ka
Pinilit kong maging manhid para kunwaring masaya
At magtagal kapa baka magbago satin ang lahat
Dahil mahal kita ako ng papansan ng mabigat
Ngunit hindi parin nag bago wala paring nangyare
Lahat ng sakripisyo ay hindi importante
Hindi mo iniisip na nasasaktan ako
Hihingi ka lang ng sorry tapos uulitin mo
Ako namang loko loko ay pinatawad ka
Kahit di na dapat ay pinagkatiwalaan ka
Ngayon ay susubukan kong lumaban at aking iingatan
Sarili ko na lagi mo nalang sinusugatan
Tama na
Ayoko na
Di ko na kayang masaktan mo pa
Kung babalik ka ay di na pwede pa
Sa piling mo'y di na makahinga
Kaya tama na
Ayoko na
Di ko na kayang masaktan mo pa
Kung babalik ka ay di na pwede pa
Sa piling mo'y di na makahinga
Kaya tama na

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists