'Di mo makikita 'Di mo mararamdaman 'Di mo maririnig At 'di maintindihan Na hindi na kailangang Itanong, magduda, pag-isipan 'Di ko malilimutan Lagi kong napapanaginipan At 'wag ka nang magtanong "Ba't gano'n?" Mayro'ng mga bagay Na 'di na maiiba Pero habang nabubuhay Mayro'n pa ring pag-asa Na makita ang liwanag Kahit sa gitna ng kadiliman 'Wag mong susukuan Siguradong mapagbibigyan At 'wag ka nang magtanong "Ba't gano'n?" Papatunayan ko na lang sa 'yo Hindi kailangan ng salita Hindi kita pababayaan hanggang dulo Hinding-hindi ako susuko, maghihintay ako Kahit 'di makita Kahit 'di maramdaman Kahit 'di marinig Sana'y maintindihan Na ayokong mawala ka Na baka 'di na tayo magkita Laging umaasa Pero pa'no nga kapag wala na? Lumalakas ang bulong Hindi ako magmamarunong Ayoko nang magtanong "Ba't gano'n?"