Tondo, lugar ng matatapang May isang tao na iginagalang Valentin Zapanta ang kanyang pangalan Alyas Ninong sa karamihan Kinatatakutan siya't iniiwasan Iniilagan ng mga istambay Respetado ng mga tao Ninong, Ninong ang pangalan Dito sa kanyang teritoryo 'Wag na 'wag na 'wag kang aabuso Si Ninong, siya ang iyong makakalaban 'Di ka na sisikatan ng araw Mandurugas at mga manloloko Mga adik, may topak sa ulo Mga tao na halang ang bituka Ang araw niyo ay bilang na (May kaguluhan sa lansangan) tawagin si Ninong (Kagabi ay mayro'ng napagnakawan) isumbong kay Ninong (Kanina lamang, may napaslang) ipaalam kay Ninong (Sabihin kay Ninong) Lasinggero, uminom ka nang tahimik At pagkatapos manahimik Holdaper, 'wag ka ritong magtrabaho Baka ikaw ay mapasubo Drug addict, kung ayaw mong tumigil Lumipad ka sa malayo Kapag si Ninong ang inyong sinubukan Sa impiyerno kayo maghahapunan (May kaguluhan sa lansangan) tawagin si Ninong (Kagabi ay mayro'ng napagnakawan) isumbong kay Ninong (Kanina lamang, may napaslang) ipaalam kay Ninong (Sabihin kay Ninong) Sa mga manloloko Iba kung siya ay magalit At sa mga naaapi Siya naman ay sobrang bait Sa mga ambisyoso Na ibig umagaw ng kanyang trono Mga balang umuusok 'Yan ang kanyang regalo Sa Tondo, si Ninong ang hari dito (alyas Ninong) Tondo, ito ang kanyang teritoryo (Ninong) Valentin Zapanta, 'yan ang kanyang pangalan (alyas Ninong) Ninong, bukambibig ng karamihan (alyas Ninong) (May kaguluhan sa lansangan) tawagin si Ninong (Kagabi ay mayro'ng napagnakawan) isumbong kay Ninong (Kanina lamang, may napaslang) ipaalam kay Ninong (Sabihin kay Ninong) (Alyas Ninong) may kaguluhan sa lansangan (alyas Ninong) Kagabi ay mayro'ng napagnakawan (alyas Ninong) Kanina lamang, may napaslang (alyas Ninong) Sabihin kay Ninong (alyas Ninong) (May kaguluhan sa lansangan) tawagin si Ninong (Kagabi ay mayro'ng napagnakawan) isumbong kay Ninong (Kanina lamang, may napaslang) ipaalam kay Ninong (Sabihin kay Ninong)