Dumilat ka at pagmasdan mo Kongregasyon ay nagsusumamo Ang dating kaliwanagan Bakit ngayon ay kadiliman? Huwag tumunganga sa ating bayan sumasama Sa katarantaduhan, ikaw ang may gawa Puro patayan walang katapusan Diba naturuan ng pagmamahalan Sagana sa yaman ugat ng lahat Silang matataas ang may likha ng lamat Mga hinanakit hinde naba matatapos Diba matitinag wala pa pagalang sa diyos Tayo na sa paraiso at 'wag na nating muling babalikan Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran Sila na nais maghatid ng kalagiman sa ating lipunan At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan Lagim ang sasapitin ♪ Kasakiman, kapangyanrihan ikaw ba'y diyos ng sanlibutan Pera na sa atin ay bumubuhay Dito ay maraming nagbuwis ng buhay Sobrang taleno marami raw siyang na inbento Ngunit lagim naman ang siyang naging apekto Ka plastikan sa kapwa tao, ginagamit ang pangalang kristo Kaligtasan ang usapusapan, ngunit ang isipan ay kalaswaan Dala ay bibliya kung akala mo'y santo Sa likod ng maskara ay isa palang diablo Tayo na sa paraiso at wag na nating muling babalikan Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran Sila na nais maghatid ng kalagiman sa ating lipunan At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan Lagim ang sasapitin