Kishore Kumar Hits

Siakol - Gawign Langit Ang Mundo lyrics

Artist: Siakol

album: Tropa

Hindi nila naririnig, hinanaing sa barong-barong
Dahil palasyo nila'y may matibay na bubong
Hindi nila naririnig, mga kumakalam na tiyan
'Di tulad ng mesa nilang parang laging may handaan
Ikaw ba? Naririnig mo ba sila?
Ikaw ba?
Gawing langit ang mundo, makakaya natin 'to
Sa simula, ikaw at ako, tapos sila hanggang maging lahat na tayo
Oh, kay gandang masdan
Sa bawat taong nagugutom at nahihirapan, mayro'n kang matutulungan
Oh, gawing langit ang mundo

Wala silang pakiramdam sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam, magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tau-tauhan
Ikaw ba? Nadarama mo ba ito?
Ikaw ba?
Gawing langit ang mundo, makakaya natin 'to
Sa simula, ikaw at ako, tapos sila hanggang maging lahat na tayo
Oh, kay gandang masdan
Sa bawat taong nagugutom at nahihirapan, mayro'n kang matutulungan
Oh, gawing langit ang mundo
Habang maaga pa
Kahit man lang sa kapakanan ng iba
Ng mga batang maglalakihan
Makikinabang sa ating maiiwan na pagmamahalan

Gawing langit ang mundo, makakaya natin 'to
Sa simula, ikaw at ako, tapos sila hanggang maging lahat na tayo
Oh, kay gandang masdan
Sa bawat taong nagugutom at nahihirapan, mayro'n kang matutulungan
Oh, gawing langit ang mundo, makakaya natin 'to

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists