Kishore Kumar Hits

Gehro - Crush lyrics

Artist: Gehro

album: 2011 Jejemon


Halika, damahin mo 'to
Ito 'yung awiting nagawa ko
Gawa ng sobrang pagkahanga ko sa 'yo
Teka, lagyan natin ng kaunting energy
Hambog Ng Sagpro, Cue C, Asero Records
Hey, crush (ano?)
Puwede bang mag-dedicate ng kanta para sa 'yo? ('Kay lang)
Ta-title-an ko sana ng "Crush", eh ("Crush?")
Awiting nabuo dahil sa kagagawan mo
Sa una kong tingin sa 'yo, agad kitang nagustuhan
Awitin ko para sa 'yo, sa puso mo, tagos 'to diyan
Bakit ba kasi ganiyan? Bakit ang ganda-ganda mo?
Ramdam ko kapag kausap ka, ang kalma-kalma ko
In love na ba ako sa 'yo? Lintik na pag-ibig 'yan
Ngunit alam ko na ang tulad ko, 'di mo pagbibigyan
Ayos lang, tanggap ko 'yon, basta ang mahalaga
Diyan ka lang, hmm, kakainis, cute mo talaga
Habang ginagawa ko 'to, iniinom ang coffee ko
At ako'y titig sa 'yong litrato bilang kodigo
Chinitang binibini, ang lupit mo pa 'pag nag-asul
Kupido ay namaril, puso ko'y sapul
Yes, totoo, kaya ito, ikaw ay nagawan
Love song, nabuo, ikaw may kagagawan
'Yan tuloy, sumulat ng kanta, muli akong sinipag
No'ng namana 'tong si Kupido, sinadya kong 'di umilag
Kasi nga, crush kita, humahanga lang naman ako sa iyong ganda
Kasi nga, crush kita, iniisip ka kahit 'di tayo puwedeng magsama
Kasi nga, crush kita, kahit na malayo ka at mayro'n na akong kasama
Kasi nga, crush kita, iniibig ka na nga kahit na ito'y pantasya lang
Asta-asta pa akong isang anghel
Last na, basta, puwede ba 'kong pumapel?
At masabihan man akong mukha ay makapal
Maitanong ko lang, "Ha, bakit? Masama ba'ng magmahal?"
Mali man ang nadarama, mali man din ang panahon
Okay lang, basta makita ka, okay na 'ko do'n
Binibining may mahika ang mga mata
Anghel na bumaba upang mabantayan ka niya
Crush na crush kasi kita, kaya kapag kausap ka
Ragasa tibok ng puso, parang nasa ulap ka
Umaamin lang ako, lubos kitang hinahangaan
Sana sa kantang ito, ang crush ko ay tinatamaan
Himig, tinig, hilig-hilig ko na madinig-dinig
Patinig at katinig ko, pag-ibig ang pintig-pintig
Oo, tama ka, ang crush at love ay magkaiba
Kapag nagtagal ang crush, sa love din mapupunta
Ipuipo at lindol, bagyo, tsunami, at kidlat
Tumama sa 'king puso, sa malakalamidad mong kindat
Ako'y walang alam na pick-up lines na malulupit
Sadyang kapag ako lang nagsalita, dating nito ay sweet
(Whoa) maraming salamat po, thank you
Oops, teka lang, mabalik tayo sa 'king awitin
Ba't ang prinsipe ng Sagpro, nagawa mo 'tong akitin?
Rekta na, "Quiere decir que el mundo me..."
Ay, kung 'di mo 'to na-gets, search mo na lang sa Google, 'te, hehe
Kasi nga, crush kita, humahanga lang naman ako sa iyong ganda
Kasi nga, crush kita, iniisip ka kahit 'di tayo puwedeng magsama
Kasi nga, crush kita, kahit na malayo ka at mayro'n na akong kasama
Kasi nga, crush kita, iniibig ka na nga kahit na ito'y pantasya lang
Ewan ko ba kung pa'no mo 'ko nabihag?
Sa litrato mo, ako ay nabitag
At sa Facebook, ako'y sinisipag
Na magparinig sa 'yo, miss, 'wag kang umilag
Sana mamaya, maka-chat ka na
Makausap, maka-Skype, makita sa camera
Maka-text para lang sabihin sa 'yong
May sinulat ako buong gabi para sa 'yo
Pinagpuyatan kong kanta, ikaw kasama diyan ngayon
Ako'y lubos na humahanga lang, may masama ba do'n?
'Di ba, wala naman? Salamat dahil hinayaan mo
Na bumuo ako nito para sa hinangaan ko
Babaeng 'di inaasahang nakilala nang bigla
Ngayon, nasa harap, likod ko, kaliwa't kanan, at gitna
Parang bala na ligaw na tumama sa 'kin, para bang
Binabaril mo ang puso kong 'to, kaya sa 'yo ay nahibang
Galing mo talagang bumanat
Sagpro, eh, hmp
Salamat, nakinig ka sa 'kin, miss, kahit na busy ka
Ikaw ang DJ ko sa buhay, nagbigay ng musika
Tila ang kalye na tahimik, binigyan mo ng tunog
Nagbibigay ng panaginip kahit 'di ako tulog
Kasi, kasi, kasi naman, nagkaro'n ka na ng part (sa'n?)
Dito sa aking heart (bakit?) Straight from the heart (nice)
'Sensiya na, sorry, ha? Sa pinagsasabi ko
Basta sa puso ko, approve ka dito
Naks naman, hehe
Kasi nga, crush kita, humahanga lang naman ako sa iyong ganda
Kasi nga, crush kita, iniisip ka kahit 'di tayo puwedeng magsama
Kasi nga, crush kita, kahit na malayo ka at mayro'n na akong kasama
Kasi nga, crush kita, iniibig ka na nga kahit na ito'y pantasya lang
Kasi nga, crush kita, humahanga lang naman ako sa iyong ganda
Kasi nga, crush kita, iniisip ka kahit 'di tayo puwedeng magsama
Kasi nga, crush kita, kahit na malayo ka at mayro'n na akong kasama
Kasi nga, crush kita, iniibig ka na nga kahit na ito'y pantasya lang

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists