Repablikan Records Syndicate Production ♪ Magpaparaya na ako, dahil hindi ako gusto ng mahal ko Sinubukang habulin ka, akala ko'y magagawa Pero bakit gano'n, pinagpalit ako sa tropa ko? Harap-harapang niloko, ginago mo ang tulad ko Sana malimot na kita Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya Na limutin ka at iwan ka, dahil ikaw lang talaga Ako'y nagmahal nang todo, pero ako'y niloko Sana ngayon ay mahalin at huwag mong lokohin, please, 'yung bago mo Sa pagpatak ng mga aking luha Na iniingat-ingatan ko, pagsasama natin Parang 'di na makakalayo ang pagitan ng damdamin natin Sa isa't isa, tila ba walang makakapigil sa 'ting dalawa At bigla ka sa 'king nagtapat Na nais mong sabihin na mayro'n kang iba At 'yan, noon mo pa nilihim, pinaniwala mo ako Sa 'yong mga pangako na kailanman ako sa 'yo hindi mabibigo Umaasa na ako pa rin ang pipiliin mo Kahit alanganin ang lagay ko diyan sa puso mo Basta bigkasin mo lang na mahal mo pa ako Tatanggapin ko 'yan kahit na hindi 'to totoo Ang pagmamahal na binigay Ay nasayang lang ng sinumpaan Pinangako natin dalawa sa harap ng Maylalang Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya Na limutin ka at iwan ka, dahil ikaw lang talaga Ako'y nagmahal nang todo, pero ako'y niloko Sana ngayon ay mahalin at huwag mong lokohin, please, 'yung bago mo Parang ayoko nang ipagpatuloy pa Ang buhay kong ito kung lolokohin, gagaguhin lang naman ako Ng babaeng inalayan, nilaanan nang husto Kahit katangahan, iningatan ang katulad mo Kasi ayoko lang mawawala ka sa 'kin Dahil 'di ko kakayanin ang mga bagay Minsan nang naagaw na sa akin, tinuring kong sa akin At nag-iisa ka sa 'kin, ngunit pag-ibig mo, hindi pala para sa akin Nasayang lang itong aking damdamin Na kailanman, sa 'yo naging tapat At para sa 'yo, hindi naging sapat Aking pagmamahal na 'di humihingi ng ano man na kapalit Pagmamahal na hinangad, bakit sa 'kin pinagkait? Kung kailan ko pa naramdaman ang lahat ng mga 'to Saka pa nawala ka sa tabi ko Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya Na limutin ka at iwan ka, dahil ikaw lang talaga Ako'y nagmahal nang todo, pero ako'y niloko Sana ngayon ay mahalin at huwag mong lokohin, please, 'yung bago mo Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya Na limutin ka at iwan ka, dahil ikaw lang talaga Ako'y nagmahal nang todo, pero ako'y niloko Sana ngayon ay mahalin at huwag mong lokohin, please, 'yung bago mo