Kay raming kandidato, iilan lamang ang pwesto Kay raming tatakbo sa halalan Dati-rati'y walang pakialam ngayo'y biglang "Mahal kong bayan!" Nang dahil lamang d'yan sa halalan Lahat nais tumulong (lahat nais tumulong) Lahat ay nangangako sa halalan Mataas ang pinag-aralan o walang nalalaman Tablahan ang labanan sa halalan Papawiin daw ang kahirapan Iingatan ang kapaligiran Paiiralin ang kapayapaan Kung manalo (kung mananalo) sa halalan Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) halalan Milyun-milyong botante ang natotorete Sa dami ng pangalan sa halalan Mayro'ng magkakamayan, mayro'ng masasaktan Mayro'ng paglalamayan sa halalan Sino ang malinis at sino ang madungis? Malalaman pagkatapos ng halalan Tayo ang may kagagawan kung may kahihinatnan Ang ating kinabukasan sa halalan Malulutas kaya ang suliranin? Bigla bang ang lahat ay may kakanin? Ang hustisya ba'y biglang tutulin? Pagkatapos (pagkatapos) ng halalan Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) halalan Akala mo karnabal (karnabal), akala mo karera (karera) Akala mo pagandahan ng ngiti Palaparan ng papel (papel), palinisan ng budhi (budhi) Paramihan ng kamag-anak at salapi ♪ Kung ang anghel sa kampana'y maging demonyo pag-upo Walang ibang may sala kundi tayo (ang tao) Tayo ang namimili, tayo ang nagbabantay Kapag tuso'y lumusot, tayo rin ang makakatay Protesta ay asahan mula sa mga talunan Mali raw ang bilangan sa halalan Tayo lang ang makakaalam kung mayro'n o walang dayaan Sana'y walang dayaan sa halalan Anong kapangyarihan ang pinag-aagawan? Kanino ipagkakatiwala ang yaman ng bayan? Aanihin naman nila kapag nahawakan na? Abangan (abangan) ang susunod na kabanata ng halalan Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) halalan Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) halalan Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) halalan Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) Hala-lalan (hala-lalan) halalan