Mainit-init na ang girian sa magkabilaang nagpipresenta Mga pasaring na madaling ininda, maging tagapakinig dyan ay nakikidigma Sa pagitan ng mga papunta pa lang at mga pabalik na, sa halip magpasintabi Alitan pa ang nagpasigla Nagkabungguan pagdating sa gitna Sa kultura na likas ang mapusok, huh Madalas na may hidwaang mahubog Sa daming namihasa makibakas sa gusot Madaling makatamasa dyan ng mapapasunod Sa intrigang napapasa, lakas maka-udyok Sinong mas bihasa, pa-angasan ng tunog Para sa manonood na baliktad ang panlasa Mabuting palabas ang samaan ng loob Yumayabong ang eksenang tila baso-baso ang serbesa Salu-salo sa lamesa kung san buhatan ng bangko ang tema Mas lumalago ang potensya sa kompetensya Ang problema, tayo ay nag-uunahan Pare-pareho namang takot matapos ang karera Kapangyarihan ng musikang halintulad sa kalikasan na ginagalawan natin Sa lakas ng agos at bagsakan, masasabing ramdam mo ang galawan ng mga nasa ilalim Hindi napupundi ang ilaw ng hangarin Anumang dilim ng opinyon nila, wala rin Negatibo man o positibo para sakin, pareho lang na may enerhiyang sinasalin Kung papaliwanagin... Pag nag mention ka, ang yabang mo tapos pag na-mention ka, meron ka sapat sagot Mga fans ine-echo mga banat mo, kaylangan pa i-share mo ang reaction post Teka muna sino ba kalaban ko Sabi nung rapper, entitled, mas mahirap maging fan Trip ka pero pressure kapag may ganto't Wala akong ka-beef kung pareho kami ng manok Kasalanan ng music 'Kala ko solid 'Kala ko kaya mong mabuo ang buong fandom mo Sayang ang beauty Kaninong kasalanan maging fan na may motive Yung banat ay mediocre ta's hanap ay trophy Kasalanan bang madaling tumanggap ng puri Samantalang abala mag-angat ng ka-uri Nagkalat ang uzi, cry me a river Style mo, dapat kang maglie-low sa twitter Mahiya ka naman kay Christ the Redeemer I'm a believer na sa panahon ngayon, gun safety, dapat tactical Ingatan ang kamay mo at fingers, praktical Kapag type mag-type, baka merong ma-trigger Pero kung rap ay mahal mo, dapat alam mo Bukod sa masaya na mag-rap, may pag-asang dala 'to sa lahat ng tao nang maka-ahon May responsibilidad ka rin sa mga napako Sa kulturang teknikal, posible na bagsak ang grado 'Wag mo deny 'to, block ka kay Santo