Wag kang maniwala sa negatibong sinasabe Resulta'y ipakita imahe ng 'yong diskarte Gano mang ka-grabe ang pait Saksi ang langit sa pag-tiis Tuloy lang Tuloy mo lang Tuloy, tuloy tuloy mo lang Tuloy Tuloy mo lang Nagsimula ako sa maliit na kitaan Nanghiram lang ng puhunan kaya aking pinatulan Pero di ko tinigilan parang batang makulit lang Hindi ko na pinakinggan kahit ako'y masabihang Mali ka ng landas na napili mong lakaran Kwento ng pangarap ko'y malabong di mapagdudahan Madalas mang maubusan luging di na matawaran Ganun pa ma'y pinilit sa sariling wag mapanghinaan Naalala ko non nung kalaban ko pa Init ng araw buhos ng ulan, basang paninda Pinasalamat ko yun sa dakilang Ama Sa pagbigay ng lakas kaya hindi ko ininda Dahil sa bagal ng proseso aking nakabisado Ang pasikot sikot kaya di takot na matalo Naka handa to hindi mauubosan plano Sing dami ng butil ng pawis na itinaya ko Wag kang maniwala sa negatibong sinasabe Resulta'y ipakita imahe ng 'yong diskarte Gano mang ka-grabe ang pait Saksi ang langit sa pag-tiis Tuloy lang Tuloy mo lang Tuloy, tuloy tuloy mo lang Tuloy Tuloy mo lang Sa daming beses na nadapa nasanay sa pag-bangon Gawa wag puro lang dada bitbit ko sa maghapon May baon na pangakong balang araw ay aahon Sa pamilya na handa kong harapin ano mang hamon Salamat po Pa, sa pagiging gabay At patnubay ko sa buhay para di sumablay Sa magulo kong isip nadyan ka na umalalay Ang hangarin mo lagi ako ay magtagumpay Salamat Ma, sa pagmamahal nagsilbing ilaw Kung sakaling yung dilim ay mas magtagal Sa daanan kong tinahak di ako napahamak Suporta mo na busilak nagtulak saking magsikap Kahit mahirap ang proseso basta magkasama tayo Ano mang pagsubok ay imposible nang matalo Nakahanda to at marami pang plano Kasing dami ng butil ng pawis na itinaya ko Wag kang maniwala sa negatibong sinasabe Resulta'y ipakita imahe ng 'yong diskarte Gano mang ka-grabe ang pait Saksi ang langit sa pag-tiis Tuloy lang Tuloy mo lang Tuloy, tuloy tuloy mo lang Tuloy Tuloy mo lang Kung pagod ka na, humingang malakas Walang hindi mo kaya, tumingala pataas Lagi mong piliting abutin ang pinaka Mataas na antas ng sarili mo Wag kang maniwala sa negatibong sinasabe Resulta'y ipakita imahe ng 'yong diskarte Gano mang ka-grabe ang pait Saksi ang langit sa pag-tiis Tuloy lang Tuloy mo lang Tuloy, tuloy tuloy mo lang Tuloy Tuloy mo lang