Kishore Kumar Hits

Henyong Makata - Okay Lang Naman Ako lyrics

Artist: Henyong Makata

album: Okay Lang Naman Ako


Okay lang naman ako, 'wag mo na akong isipin pa
Mahalaga ay masaya ka sa kanya
Kahit na ako sa 'yo'y nasaktan pa
Makita ko lang ang ngiti mo, ayos na
Andito lang ako, 'wag kang mag-alala
Kahit may iba ka, sa 'kin ika'y mahalaga
Kasi nga mahal kita't alam mo ba
Na ang hiling ko sana'y mapasa'kin ka?
Ayos lang 'pag 'di ka talaga para sa akin
At least ay nagawa ko ring ika'y yakapin (yakapin)
Tuloy, ang oras natin naging alanganin
Kasi may nagmamay-ari na 'yung dapat akin
Kahit masakit ang mga kapalit
Ng 'yong kaligayahan, 'di na 'yon mahalaga
Kahit 'di na makalapit, 'di na makikisabit
Sa nabuo na relasyon niyong dalawa
Kasi nga mahal kita, kaya gusto kong maging masaya ka
Kahit na alam ko nang maling pakawalan kita
'Wag na 'wag ka rin naman sa 'king mag-alala
Lapitan mo lamang ako 'pag nasaktan ka n'ya
Alam kong masakit sa akin ang hindi mo 'ko piliin
'Di mo 'ko pagbigyan na ika'y aking ibigin
Ngunit tatanggapin ko at hindi na 'ko lalaban
'Di sa ako'y duwag, gusto ko lang ng kalayaan
Kasiyahan upang matakasan ang bawat lungkot
Ng alaala na sa katawan ko ay sumusuot
Gusto ko na 'tong hubarin nang ako ay guminhawa
At sana sa pinili mo, ikaw ay lumigaya
Gagawin ko ang lahat
Makuha lamang ang ngiting pinapantasiya
Na gusto mo na kahit 'di ako ang dahilan
'Pinapangako 'pag kailangan mo ay laging nand'yaan
Okay lang naman ako, 'wag mo na akong isipin pa
Mahalaga ay masaya ka sa kanya
Kahit na ako sa 'yo'y nasaktan pa
Makita ko lang ang ngiti mo, ayos na
Andito lang ako, 'wag kang mag-alala
Kahit may iba ka, sa 'kin ika'y mahalaga
Kasi nga mahal kita't alam mo ba
Na ang hiling ko sana'y mapasa'kin ka?
Akala ko ay akin ka (akin ka)
Pero bakit nagpaangkin pa? (Angkin pa)
Ang akala ko no'ng una ay walang iba
Tayo lang sa isa't isa
Ngayon ay mayro'ng nagbago (nagbago)
'Di na ako ang 'yong gusto ('yong gusto)
Pero kahit na gano'n pa man
Ikaw pa rin ang tanging pipiliin ko
Maging masaya ka sana sa kanya
'Di na bale na wala tayong dalawa
Kasi para sa 'kin ang mahalaga
Ay makita kitang masaya kahit sa piling ng iba
Halos gabi-gabi ay palaging naiisip ka
Ano pa ba ang dapat na gawin?
Kaso nga pala ay sumama ka na sa kanya
Ayon ay kailangan kong tanggapin
Kahit masakit, wala akong magagawa
'Di na rin umaasa na pakinggan
Tanging hiling ko lang, maging masaya ka
Ayos lang kahit 'di na ako ang dahilan
'Wag kang mag-alala para sa 'kin, handa ko 'tong kayanin
Ikaw pa rin ang laging laman ng panalangin
Tanging hiling ko lang ay muli kang maging akin
Paulit-ulit mang saktan, handa kang patawarin
Okay lang naman ako, 'wag mo na akong isipin pa
Mahalaga ay masaya ka sa kanya
Kahit na ako sa 'yo'y nasaktan pa
Makita ko lang ang ngiti mo, ayos na
Andito lang ako, 'wag kang mag-alala
Kahit may iba ka, sa 'kin ika'y mahalaga
Kasi nga mahal kita't alam mo ba
Na ang hiling ko sana'y mapasa'kin ka?
Okay lang naman ako, 'wag mo na akong isipin pa
Mahalaga ay masaya ka sa kanya
Kahit na ako sa 'yo'y nasaktan pa
Makita ko lang ang ngiti mo, ayos na
Andito lang ako, 'wag kang mag-alala
Kahit may iba ka, sa 'kin ika'y mahalaga
Kasi nga mahal kita't alam mo ba
Na ang hiling ko sana'y mapasa'kin ka?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists