Hindi mo lang alam ang nadarama Sa tuwing nahihirapan ka nang huminga Gusto kitang palayin At pagilin ang damdamin Hindi ko kaya na umiwas (iwas) Paabutin pa ng bukas (bukas) Gusto pa rin kitang kasama Kahit na pagod ka nang tumawa Kahit na pag-ibig natin ay puno ng drama Oh, bakit ba gano'n Tuwing gigising para bang sasabog ang Mayon Almusal natin sigawan Sa tanghali ang tugon mo sa akin sasampalin Pagkatapos ay hindi kakausapin Parang ang pag-ibig mo sa 'kin ay napalayo Kapag tumitig ang dugo'y kumukulo Konting pagkakamali manggigigil na agad Para kang leon 'yung galit mo sagad-sagad Ano ba bakit ba gano'n lagi kang pikon Para kang may sanib ang hilig-hilig mong bumulong 'Pag minsan para tayong bida sa pelikulang drama (yeah, yeah) Away-bati parang si Popoy at si Basha (yeah, yeah, yeah) Magsusungit kapag 'di mo nagustuhan 'Yung dala kong pasalubong lalangawin na naman (hey) Ano ba 'yan bakit ang hilig mo 'kong pagtripan Tuwing gutom ako kaldero ay walang laman 'Di na bale alam mo bang mahal kita Kahit na gano'n 'di nagbago ang nadarama Gusto pa rin kita kahit magmukha akong tanga 'Di ko kakayanin kung iiwan mo 'kong mag-isa Hindi mo lang alam ang nadarama Sa tuwing nahihirapan ka nang huminga Gusto kitang palayain At pagilin ang damdamin Hindi ko kaya na umiwas (iwas) Paabutin pa ng bukas (bukas) Gusto pa rin kitang kasama Kahit na pagod ka nang tumawa Kahit na pag-ibig natin ay puno ng drama Ito na naman pag-uwi galing trabaho Alam mo na pagod tuloy sa pagreklamo 'Pag minsan ba naisip mo ako na tanungin Kung kumain ka na ba pero ano hanggang ngayon wala pa rin 'Di na bale basta ako'y kuntento na Yung makita kang nakangiti 'yan ang masaya (masaya) Umupo ka muna do'n ako na ang maghuhugas Magluluto, magpupunas, maglilinas hanggang bukas Oh, alam mo bang ikaw lang ang aking prinsesa Kahit magsungit ikaw ang aking Cinderella (Cinderella) Oh, mahal kita kahit mahilig ka sa giyera Konting tiis tabi na tayo sa kama Puno ng drama ang buhay 'pag kasama ka Sa araw-araw ngingiti sabay tatawa 'Pag minsan malungkot 'pag kinibo agad galit 'Pag minsan nga ay mapait at may luha na kapalit (kapalit) 'Di na bale alam mo bang mahal kita Kahit na gano'n 'di nagbago ang nadarama Gusto pa rin kita kahit magmukha akong tanga 'Di ko kakayanin kung iiwan mo 'kong mag-isa Hindi mo lang alam ang nadarama Sa tuwing nahihirapan ka nang huminga Gusto kitang palayain (palayain) At pagilin ang damdamin (at pagilin ang damdamin) Hindi ko kaya na umiwas (umiwas) Paabutin pa ng bukas (paabutin pa ng bukas) Gusto pa rin kitang kasama Kahit na pagod ka nang tumawa Kahit na pag-ibig natin ay puno ng drama Yeah, yeah, ah