Naaalala ko pa lahat sa atin Bigat ng 'yong damdamin Pati lamig ng hangin kahit anong aking gawin Alam ko na ako'y hanggang tingin Na lang sa'yong litrato Ang dami ng nagbago Siguro nga... Hanggang dito na lang Dito na lang Siguro nga... Hanggang dito na lang Dito na lang Dito na lang... Kamusta na? Ano ang 'yong ginagawa... Pwede bang makipagkita wag na lang kaya Baka hindi ko lang kayanin, awatin Pilitin ang sarili kalimutan mga nagawa Mauulit pa kaya? Yung tayong dalawa Magkasama't magkahawak ang kamay tanda ko pa Palagi kang nakangiti harutan mga kiliti Natin na para bang unti unting nabubura Sa limot, lahat ng bagay Mga sulatan natin inubos na ng anay Mga lambingan natin pagkatapos ng away Ang lahat ay nag-iba pero hanggang ngayon hindi pa rin nasanay Naaalala ko pa lahat sa atin Bigat ng 'yong damdamin Pati lamig ng hangin kahit anong aking gawin Alam ko na ako'y hanggang tingin Na lang sa'yong litrato Ang dami ng nagbago Siguro nga... Hanggang dito na lang Dito na lang Siguro nga... Hanggang dito na lang Dito na lang Dito na lang... Ang dami nang nangyari at lumipas na taon Ang dami mong nasabi kaso puro lang tanong Kapag ako'y yayakap sa iyo ang lagi mong tugon Ay pag-iwas sakin may kasama pang bulong Teka sariwa pa sa akin ang mga nangyari Umiiyak ka 'non pakiramdam mo di masabi Gusto kitang yakapin, sabihin mahal kita Pero hindi na nangyari kasi ako'y naging tanga Mas pinili kong umiwas palipas ng oras Humanap pa ng butas at bukas lumikas Imbes na ang luha mo sa damit ko ay ipunas Tumalikod at inisip na ito'y wala ng lunas Hindi mo sinubukan na lumapit Ako'y naghihintay lamang sa yakap mo at kapit Kaya ngayong lumipas ang mahabang panahon Alaala natin ay tuluyan ng naikahon Habang hawak ang litrato nating dalawa Tuluyan ng tumulo ang luha saking mata Alam ko sa sarili na huli na ang lahat Pagmamahalan natin ay hindi na pwedeng mag-ugat Siguro nga sa alaala lang kita Muling makakapiling at muli pang sasaya Nakakalungkot lang kasi hindi na talaga Pwede pang maulit ang lahat lahat sa umpisa Naaalala ko pa lahat sa atin Bigat ng 'yong damdamin Pati lamig ng hangin kahit anong aking gawin Alam ko na ako'y hanggang tingin Na lang sa'yong litrato Ang dami ng nagbago Siguro nga... Hanggang dito na lang Dito na lang Siguro nga... Hanggang dito na lang Dito na lang Dito na lang... Siguro nga wala na talaga Wala na ngang pag-asang makasama pa kita Dito na lang Hanggang dito na lang