Kishore Kumar Hits

Jen Cee - Pahinga lyrics

Artist: Jen Cee

album: Pahinga


Alam n'yo ba 'yong parang mga pakiramdam na
Hinding-hindi mo na alam kung sa'n mag-uumpisa?
Kahit pilitin mong lumaban ay tinatamad na
Hindi naman siguro kasalanang magpahinga
Ang dami-rami nating gustong tuparin, 'di ba?
Mula noon hanggang ngayon ay lumalaban na
Ang umangat at lumubog ay naranasan ko
Ngayon, hindi ko lang alam kung bakit ba ganito
Nakakaramdam na 'ko ng pagsuko't 'di masaya
Karanasan ko sa ngayon na parang ayaw ko na
Nawawalan ng bisa ang aking mga kanta
Lalo na 'yong "'Wag Kang Susuko" na nasulat ko na
Ngayon hinding-hindi ko na matatago ito
Ayoko nang maglihim, gusto kong malaman n'yo
Na minsan din sa buhay ko, nahihirapan ako
At 'di lang nahihirapan, nasasaktan na ako
Hindi lang pera palagi ang basehan ng problema
Tingnan rin natin palagi kung pa'no ba makisama
Kung sino na'ng mapagbigay, naaabuso pa
At kung 'yong mabait lumaban ay kalaban na
Sobrang kikitid ng utak, wala namang ambag
Kung sino pa'ng mapuputak 'yon pa ang pabigat
Ito ang katotohanan, ranas na ng karamihan
Kapag tumulong ka minsan, ikaw pa'y ginigulangan
Mahirap nang lumabas na laging mabait
Kapag ikaw nangangailangan, laging may kapalit
Walang tutulong nang kusa, 'yong tulong mo na walang bisa
Kaya laging tandaan na 'wag mag-aalangan
Na unahin, kahit minsan, ang sarili mo
Hayaan mo na rin kung mayro'ng magtampo sa 'yo
Ito'y hindi kasalanan, sila ang may pagkukulang
Nasa'n sila noong kailangan mo ng masasandalan?
Oh, 'di ba nakakapraning lalo na kung may dumating
Panibago pa na problemang hindi na kayang dalhin
Sa susunod, alam ko na ang dapat na gawin
Magpapahinga na lang muna, tapos tuloy pa rin
Dumadating 'yong mga araw na parang wala
Kahit ano'ng gawin ko ay walang napapala
Kaya patawad kung minsan parang sumuko na
Dahil hindi ko na kaya noong mapag-isa
Oo, mahirap na maramdaman na mag-isa
Lalo na kung alam mo na na lumalaban ka
Nang patas sa karamihan, tapos pinagkaitan
Ng pagkakataong gustong-gusto mong makamtan
Kahit gaano kalakas, kahit gaano kataas
Hinding-hindi maiiwasan na magiging marahas
Kapag sinubok ng panahon, magugulong mga sitwasyon
'Wag kang susuko, 'wag kang susuko at ipapahinga mo lang
Kahit gaano kalakas, kahit gaano kataas
Hinding-hindi maiiwasan na magiging marahas
Kapag sinubok ng panahon, magugulong mga sitwasyon
'Wag kang susuko, 'wag kang susuko, at ipapahinga mo lang
Ipapahinga mo lang, ipapahinga mo lang
'Wag kang susuko, 'wag kang susuko, at ipapahinga mo lang

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists