Kishore Kumar Hits

Jen Cee - Sundalo Ng Pangarap lyrics

Artist: Jen Cee

album: Sundalo Ng Pangarap


Maglalakbay tayong sabay-sabay
Mauna man o mahuli, lahat ay sumakay
H indi na baleng madapa, kasama 'yan sa pagtanda't
Hindi maiiwasang may sumabit na utak talangka, ey
Marami ang galit sa malulupit
Kaya palaging talo 'yung mga inggit
Hindi ba totoo? 'Yan na'y kabisado ko
Sa ilang taong naglalakbay, lahat nalaman ko
Sugat at kalyo, wala sa kamay at paa ko
Kung hahanapin mo, hindi makikita ito
Emosyon ang kalaban ko, sarili lang kakampi ko
Kaya unti-unting nanalo, dahil 'yan sa sikap ko
Isa ako ngayong sundalo ng pangarap
Lahat titiisin ko para lang aking mahanap
Ang katangi-tangi kong rason, na ayoko lamang mabaon
Pangakong sisikapin, matupad lahat ng plano ko
Isa ako ngayong Sundalo ng pangarap
Kahit anong gawin, hinding-hindi na matitinag
Kahit anong liit ng butas, lulusot pa rin
Hindi mahihirapan kahit pa ay matahin
Ang dami-dami kong mga pinapangarap
Lahat 'yun ay unti-unti ko lamang na sinikap
Kahit mabagal ang abante, umusad pa rin
Hindi lang humiling, ito ay dinasal ko rin
Para saan pa ang sulat ko kung 'di pakikinggan?
Isa lang ito sa mga tunog na iyong magugustuhan
Mahirap man tignan, 'wag kang mag-aalangan
Subukan mo 'yung bagay na gusto mong makamtan
Maraming harang-harang, kasama 'yan sa 'king laban
Ipapanalo ko't pagod at sugat lang ang puhunan
Nagtiya-tiyaga ako kahit wala pang kapalit
Nahihirapan at naluluha lang ng saglit
Tuloy-tuloy lang ang laban, kahit pa nahihirapan
Walang panghihinayangan, lahat ng 'to'y kinilusan
At balang araw, ang lahat, mayro'ng kalalagyan
Mga pangarap ay unti-unting makakamtan
Sinong nagsabi o nagbawal na mangarap ka?
Kung mayro'n man ay kalimutan mo na 'yan sila
Mga wala 'yang dulot sa buhay, 'yan ang salot
Kaya piliting iwasan 'yung may inggit na balot
Isa ako ngayong sundalo ng pangarap
Lahat titiisin ko para lang aking mahanap
Ang katangi-tangi kong rason, na ayoko lamang mabaon
Pangakong sisikapin, matupad lahat ng plano ko
Isa ako ngayong Sundalo ng pangarap
Kahit anong gawin, hinding-hindi na matitinag
Kahit anong liit ng butas, lulusot pa rin
Hindi mahihirapan kahit pa ay matahin

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists