Isip mo'y unti-unting Nawawala't nalilito Ang tulad mo'y parang usok Unti-unting naglalaho (Unti-unting naglalaho) Tanging hiling ko lang sa 'yo Nakaraan ay tanggapin At ang ngayon ay harapin Ang bukas mo'y darating pa Kaya't huwag sanang damdamin 'Pagkat ito'y payo lamang Mula sa akin kaibigan Na sa 'yo'y nagmamahal Huwag mong sayangin ang panahon 'Pagkat ito'y may hangganan Buksan mo ang pintuan Kasama ng iyong puso Tinangay na ng hangin Ang masamang panaginip Kaya't bigyan mo ng puwang Ang puso mong nalulumbay Isip mo'y unti-unting Nawawala't nalilito Ang tulad mo'y parang usok Unti-unting naglalaho (Unti-unting naglalaho) ♪ Mga kutob na binalewala ko totoo pala (yeah yeah) Sa galaw mo at kilos alam ko na may kakaiba (yeah yeah) Lumipas ang mga araw ramdam kong 'di ka masaya Kayakap ko ang 'yong katawan ngunit ang isip ay nasa iba Hindi ko na namalayan, 'pag pumupunta 'ko ng bayan Tsaka n'yo sisimulan ang inyong karumaldumal na kahalayan Hindi naman kita pinabayaan (hey) Ano'ng nangyari sa 'yo Makapangyarihang ilusyon (maya) Biktima lang din ako Sa ginawa mo sa 'kin Buhay ko'y gusto na lang wasakin Tinangay na ng usok ang isipan Sarili ko sa'n ko hahanapin 'Di tumatama yung alak ang bagal 'Yung puso ay gusto mamanhid kaagad Mga alaala'y tinatabunan ng amat Nararamdamang sakit para maawat Tinangay na ng hangin Ang masamang panaginip Kaya't bigyan mo ng puwang Ang puso mong nalulumbay Isip mo'y unti-unting Nawawala't nalilito Ang tulad mo'y parang usok Unti-unting naglalaho (Unti-unting naglalaho)