Oh tahan na Tumahan ka Malaya ka Lumaya ka Pakawalan mo ang lahat ng hindi sayo 'Di ka na masasaktan Sa tagpuan ng ikaw at tsaka ako Ang sarili ay mahahagkan Di mo na kailangan pang pilitin mag-isip Pag aalinlangan ay dapat mong alisin 'Wag ka mag hinala sa harap ng salamin Kailangan mong matutunan ang sarili mahalin Bago ibahagi pag ibig sa iba 'Wag ka magpatali sa iyong nadarama Kung hindi pa kaya 'wag masyado sagarin May tamang espasyo na sayo naka abang Pwede ka lumaylo pero 'wag ka tamarin Dalasan mo ang pag halo kung ayaw mo tumabang Subukan mong ipaglaban Ang bitbit mo na pagmamahalan 'Di pa tukoy ang patutunguhan Pero sigurado meron kang matututunan Oh tahan na Tumahan ka Malaya ka Lumaya ka Ano nga bang dahilan ng pagkagulo Bakit ka nasasaktan Bakit ba patuloy ka pa rin na natutukso Sino pinakikinggan Kailangan matutunan sa sarili makinig Isantabi na muna ang mundo na makulet Huminga ng maluwag at lumayo ka sa sikip Na bitbit ng mundong madalas ipagkait Mga nais mahawakan Siguro may plano ang kalawakan Palagi mo lang na pang hahawakan Ang damdamin mong tugma sa kamalayan Oh tahan na Tumahan ka Malaya ka Lumaya ka Oh tahan na Tumahan ka Malaya ka Lumaya ka