Kishore Kumar Hits

Guddhist Gunatita - Pagbangon lyrics

Artist: Guddhist Gunatita

album: Pagbangon


Eto nanaman ang umaga
May liwanag at may pag asa
Mangarap at lumipad lumipad lumipad
Magpatuloy ka sapagkat sapagkat sapagkat
Eto nanaman ang umaga
May liwanag at may pag asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
Magpasalamat sapagkat sa kabila ng pighati
Merong ikaw sa harapan ng salamin nakangiti
Ang buhay ay napakakulay 'di lang yan itim puti
Nasa sayo kung pano mo gagampanan wag magkuble
Hmm, ilabas mo ang nilalaman
Ng damdamamin mo at isip alam mo bang maganda yon
Maging busilak sa buhay wag na wag ka mag sasawa
Lagi mong tatandaan sarili mo ikaw may hawak
Ibahagi ang pag-ibig sa sanlibutan
Kung madilim man ang paligid mo
Pwede mo na simulang magpaliwanag
Minsan tanggapin hindi panatag
Ang pagtahak mo sa lupang mahiwaga at malawak
Ang mga nadarama ay pansamantala
Bitawan mo na ang kaba
Pagmamamhal ang itira
Wag ka matakot
Sa puot ay wag kang magpasakop
May liwanag sa dilim ng kalawakan
At 'yun tayo
Eto nanaman ang umaga
May liwanag at may pag asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
Eto nanaman ang umaga
May liwanag at may pag asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
Napakalawak ng mundo, ibat-ibang pulo
Kapag may parteng magulo, kailangan nating mabuo
Ang pagkakaisa, pagmamahal ang ating mahika
Walang maiiwanan sa 'ting byahe at kasama ka
Layag, tawid, tagos papuntang kabila
Kung san payapa ang lahat, malaya kang magsalita ng saloobin
Merong makikinig sayong dalangin
Ilahad mo lang lahat maging tapat ka sa damdamin
Magandang umaga ito ay harana
Para sa lahat na bumabangon dyan sa kama
Para kay mama, sa aking dalaga
Makakaya natin basta tayo magkasama
Ano man ang pagsubok ito, makakaya mo
Ang buhay natin minsan ay sadyang baliko
Ang hirap ituwid pero wag kang hihinto
Habaan mo pa ang pasensiya nasa dulo ang ginto
Patak ng bawat luha sa sakit nadarama
Pinipilit mong ngumiti ngunit wala don yung saya
Palagi mong iisipin na hindi nag-iisa
Lilipas din ang paghita kaya wag lang mag-alala
Eto nanaman ang umaga
May liwanag at may pag asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
Eto nanaman ang umaga
May liwanag at may pag asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
Eto nanaman ang umaga
May liwanag at may pag asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
Eto nanaman ang umaga

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists