Isang araw Pumunta 'ko sa tindahan ni Aling Nena Para bumili ng suka Pagbayad ko, aking nakita Isang dalagang nakadungaw sa bintana Natulala ako, laglag ang puso ko Nalaglag din ang sukang hawak ko Napasigaw si Aling Nena't Ako naman ay parang nakuryenteng pusa, meow Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko Na nakatawa ang dalaga Panay ang "sorry" ko sa pagmamadali Nakalimutan pa ang sukli ko Pagdating sa bahay, nagalit si Nanay Pero oks lang, ako ay inlababo nang tunay Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sari-sari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Pumunta 'ko sa tindahan kinabukasan Para makipagkilala Ngunit sabi ni Aling Nena Habang maaga'y huwag na raw akong umasa Anak niya'y aalis na papuntang Canada Tatlong araw na lang ay babay na Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sari-sari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko'y hindi nabibili ng pera Hindi mapigil ang damdamin Ako'y nagmakaawang ipakilala (ho, ho, ho, ho) Payag daw siya kung araw-araw Ay mayro'n akong binibili sa tinda n'ya Ako'y pumayag at 'pinakilala niya Sa kanyang kaisa-isang dalaga Ngunit nang makilala, siya'y tumalikod na At iniwan akong nakatanga Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sari-sari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Tindahan ni Aling Nena Dito nauubos ang aking pera Araw-araw ay naghihintay Oh, Aling Nena, please naman, maawa ka, ha ♪ Alam niyo'ng nangyari? Wala, wala Ah-ah-ah, ah-ah (oh, Diyos ko!) Wala, wala Ah-ah-ah Wala