Kishore Kumar Hits

Danilo Santos - Bulalakaw lyrics

Artist: Danilo Santos

album: Dapit Hapon


Sa buhay ko ikaw ay nagsabulalakaw,
Matapos na mahalin ka'y dagling lumisan.
Ang masakit, di alam ang kadahilanan,
Kung sa iyo'y may nagawa na kasalanan.
Kaya ngayon sa gitna ng kapighatian,
Nagtatanong kung ikaw ay nahan o hirang,
At ibig kong malaman sa'yong kalooban,
Kung ako ay iyo pang minamahal.
Subalit giliw kay sawing kapalaran,
Nang ikaw ay makita'y nasa ibang kandungan,
At noon ko lalong napatunayan,
Na sa iyo ay wala nang mahihintay,
Ay wala nang mahihintay.
Mabuti pa ay di mo minahal hirang,
Kung dudulutan rin lamang ng kasawian.
Disin sana ang puso ko at kalooban,
Walang ligalig at kalungkutan.
O irog ko ikaw ay nagsabulalakaw,
Sa karimlan ay saglit lamang na sumilang.
O ganyan din ikaw dito sa abang buhay,
Naglaho ng tulad nitong... Bulalakaw

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists