Kishore Kumar Hits

Ang Dating Don Juan - Tayo Lang lyrics

Artist: Ang Dating Don Juan

album: Tayo Lang


Bakit ba hindi maintindihan ang bawat salitang lumalabas?
Ano ba'ng laman ng isip mo? Ako kaya ay sumasabit ba diyan?
Sa'n kaya 'ko lulugar gayong nararamdaman
Ng puso'y tanging ikaw lamang?
'Di na kailangang humanap pa ng iba
Sabi ko naman sa 'yo, hindi na puputulin 'to
Ang gabing magkasama, wala nang iba, huwag ka nang malito
Mundo ay iiwanan na, ikaw at ako ang bida
Wala nang hahadlang, tayo lang dalawa, huwag nang mag-alala

Wala nang iisipin pa
Kahit na ano'ng sabihin nila
Hindi natin 'yan kilala
Huwag ka nang mabahala
At kahit ano, aking haharapin
'Pakuha mo man ang mga bituin
Sa 'yo lang ako, paa hanggang ulo
(Hinding-hindi na lalayo)
Sabi ko naman sa 'yo, hindi na puputulin 'to
Ang gabing magkasama, wala nang iba, huwag ka nang malito
Mundo ay iiwanan na, ikaw at ako ang bida
Wala nang hahadlang, tayo lang dalawa, huwag nang mag-alala

Sa bawat hakbang na tatahakin, bawat buntong-hininga
Nais lamang manatili sa iyong piling sapagkat wala nang nakikita
Na ibang makapagpapatibok nitong pusong tanging ikaw ang hinahanap
Sa 'yong halik na lamang mahahagilap, tamis ng paglipad sa alapaap

Sabi ko naman sa 'yo (sabi ko naman sa 'yo)
Hindi na puputulin 'to (hindi puputulin 'to)
Ang gabing magkasama, wala nang iba, huwag ka nang malito
Mundo ay iiwanan na (mundo ay iiwanan na)
Ikaw at ako ang bida (ikaw at ako lamang ang bida sa pelikula)
Wala nang hahadlang, tayo lang dalawa, huwag nang mag-alala

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists