Kishore Kumar Hits

MCDVLR - Olats lyrics

Artist: MCDVLR

album: Olats


Oh, Diyos ko, paulit-ulit na naman tayo sa kuwentong 'to
Oh, ano? Unti-unting nauubos sa 'yo ang pasensiya ko
Kung alam ko lang, sana'y hindi na lang
Mga oras na nasayang, sobrang dami, 'di na mabilang
Hindi maipaliwanag kung bakit ganito
Parang tangang naglalaro kahit pa parehas talo

Oh, 'di ba? Hindi ako nagkamali sa aking mga akala
Binuhos ko naman ang lahat, ngunit bakit parang hindi pa rin sapat?
Kung alam ko lang, sana'y hindi na lang
Sinimulan ang nararamdaman na ito
Bakit nga ba tayo humantong sa ganito?
Hindi maipaliwanag kung bakit ganito
Parang tangang naglalaro kahit pa parehas talo
Gusto kong sumigaw, puso ko'y naligaw, pagod na at uhaw
Puwede bang umayaw? (Puwede bang umayaw?) Ngunit
Ngunit 'di na makabitaw

Hindi maipaliwanag kung bakit ganito
Parang tangang naglalaro kahit pa parehas talo
Hindi maipaliwanag kung bakit ganito
Parang tangang naglalaro kahit pa parehas talo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists